Monday , April 28 2025

Walang pasok tugon ng Palasyo sa tigil-pasada

SUSPENSIYON ng mga klase sa lahat ng paaralan at walang trabaho sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa buong bansa, ang tugon ng Palasyo sa malawakang transport strike ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) ngayon, bilang pagtutol sa jeepney phaseout program.

Batay sa Memorandum Circular 28 na inilabas ng tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, upang mabawasan ang idudulot na prehuwisyo ng transport strike sa publiko ngayon, nagpasya ang Malacañang na suspendehin ang klase sa pampubliko at pribadong paaralan, at trabaho sa lahat ng opisina ng gobyerno.

“Classes in all levels, both public and private schools, and government work, including those in the local government units and government-owned or controlled corporations, will be suspended nationwide tomorrow, October 16, 2017, to minimize public inconvenience arising from the planned nationwide transportation strike,” ayon sa Memorandum Curcular 28.

Ipinauubaya ng Palasyo sa pribadong sektor ang pagpapasya kung gagayahin ang pasya ng Malacañang.

Makakasama ng PISTON sa transport strike ang Kilusang Mayo Uno (KMU) at iba pang transport at commuters’ group sa ilalim ng “No to Jeepney Phaseout Coalition.”

Anang mga grupo, magkakaroon ng negatibong epekto sa kabuhayan ng may 67,000 tsuper at operator sa buong Filipinas ang PUJ phaseout program na nakatakdang ipatupad sa Enero 2018 dahil mapipilitan silang bumili ng hindi bababa sa 10 bagong pampasaherong jeep na nagkakahalaga ng mahigil P1.6 milyon kada isa.

Ang operasyon ng mga bagong jeep ay pamamahalaan ng transport companies at ang pasahe ay kokolektahin sa pamamagitan ng paggamit ng beep cards gaya ng ginagawa sa Metro Rail Transit at Light Rail Transit systems.

ni ROSE NOVENARIO

MMDA MAGBIBIGAY
NG LIBRENG SAKAY

MAGKAKALOOB ng libreng sakay ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga pasaherong maaapektohan ng tigil-pasada ngayong araw.

Ayon kay Celine Pialago, tagapagsalita ng MMDA, magtatalaga sila ng 10 buses, trucks at ambulansiya sa mga lugar na apektado ng isasagawang trasport strike ng grupong Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON).

Dagdag ni Pialago, bukod sa libreng sakay ng MMDA, magtatalaga sila  ng mga rescue team sakaling may maganap na kaguluhan sa naturang strike.

Sa kabilang dako, sinabi ni PISTON president George San Mateo, ito ang kanilang ikatlong nationwide transport strike bilang pagtutol sa planong jeepney modernization program na ipatutupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sa naturang programa, ang pampasaherong jeep na may 15 taon na ay kailangan nang i-phase out.

Sa nakarating na report sa MMDA, bukod sa PISTON, makikiisa rin sa transport strike  ang ilang militanteng grupo tulad ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at  No to Jeepney Phaseout Coalition.

Kaugnay nito, sinabi ni Pialago, inaasahan nilang hindi mapaparalisa ng tigil-pasada ang transportasyon sa Metro Manila.

“Tuwing nagkakaroon ng transport strike, ang laging assessment ng LTFRB ay hindi naman po nila napaparalisa ang transport sector or commuters nang ganoon kalaki kagaya nang inaasahan nila,” ani Pialago.

Inirerespeto ni San Mateo ang naging pahayag ni Pialago, sabay hirit na hindi dapat suspendehin ang klase sa mga eskuwelahan kung hindi apektado ang Metro Manila sa kanilang pagkilos.

(JAJA GARCIA)

About Rose Novenario

Check Also

Vote Buying

Isko Moreno, pinagpapaliwanag ng Comelec sa pagbili ng mga boto

SINITA ng Commission on Elections (Comelec) si mayoral bet Isko Moreno kaugnay ng vote-buying o …

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *