MAGKAKALOOB ng libreng sakay ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga pasaherong maaapektohan ng tigil-pasada ngayong araw.
Ayon kay Celine Pia-lago, tagapagsalita ng MMDA, magtatalaga sila ng 10 buses, trucks at ambulansiya sa mga lugar na apektado ng isasagawang trasport strike ng grupong Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON).
Dagdag ni Pialago, bukod sa libreng sakay ng MMDA, magtatalaga sila ng mga rescue team sakaling may maganap na kaguluhan sa natu-rang strike.
Sa kabilang dako, si-nabi ni PISTON president George San Mateo, ito ang kanilang ikatlong nationwide transport strike bilang pagtutol sa planong jeepney modernization program na ipatutupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Sa naturang programa, ang pampasaherong jeep na may 15 taon na ay kailangan nang i-phase out.
Sa nakarating na report sa MMDA, bukod sa PISTON, makikiisa rin sa transport strike ang i-lang militanteng grupo tulad ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at No to Jeepney Phaseout Coalition.
Kaugnay nito, sinabi ni Pialago, inaasahan nilang hindi mapaparalisa ng tigil-pasada ang transportasyon sa Metro Manila.
“Tuwing nagkakaroon ng transport strike, ang laging assessment ng LTFRB ay hindi naman po nila napaparalisa ang transport sector or commuters nang ganoon kalaki kagaya nang inaasa-han nila,” ani Pialago.
Inirerespeto ni San Mateo ang naging paha-yag ni Pialago, sabay hirit na hindi dapat suspendehin ang klase sa mga eskuwelahan kung hindi apektado ang Metro Manila sa kanilang pagkilos.
(JAJA GARCIA)