Saturday , November 16 2024

Grupong destab terror org — Sara Duterte

WALANG ipinagkaiba ang banta ng destabilisasyon sa terorismo.

Ito ang tinuran ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte bilang tugon sa mga grupo at mga personalidad na bumabatikos sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtatayo ng revolutionary government sa harap ng mga banta ng destabilisasyon laban sa kanyang administrasyon.

“The threat of destabilization is as real as terrorism,” ani Inday Sara sa kalatas kahapon.

Giit niya, ginagamit ng mga grupo at mga indibidwal ang negatibong reaksiyon sa bantang revolutionary government ng kanyang ama upang ikubli ang tunay na intensiyon laban sa administrasyong Duterte.

“Power grabbers have made their point, made their presence felt, caught our attention, and we know who they are,” aniya.



Tinawag ni Inday Sara na gutom sa kapangyarihan si Sen. Antonio Trillanes IV at ang grupong Tindig Pilipinas at hindi puwedeng maging dahilan para ma-insecure ang Pangulo ng bansa.

Ang Punong Ehekutibo aniya ay hindi maaaring kabahan at ma-praning sa oposisyon at sa resulta ng survey dahil hawak niya ang kapangyarihan.

“How can he be  insecure when he is the president? When you are the president, there is nothing that will make you feel insecure — not a survey results or a person like Trillanes or a power-hungry group called Tindig Pilipinas,” aniya.



Binigyan-diin ng presidential daughter, ang mga isiniwalat ng Pangulo kaugnay sa destabilisasyon ay galing sa intel reports at mapagkakatiwalaang sources mula sa mga tanggapan ng mga taong kaalyado ng oposisyon.

“All his (President Duterte) destabilization claims are from intel reports and reliable sources from inside the offices of the people identified with the opposition,” sabi ni Inday Sara.



Batay sa Section 17 ng Republic Act No. 9372 o Human Security Act o Anti-Terror Law, hindi kailangan inorganisa ang isang grupo para maglunsad ng terorismo upang mataguriang terrorist organization.

Kapag ang isang pangkat ay nagsasagawa ng mga aksiyon na maghahasik ng takot at maghuhulma ng kondisyon nang malawakan at kakaibang pangamba at panic sa publiko upang gipitin ang gobyerno para bumigay sa isang ilegal na hirit, puwedeng hilingin ng Department of Justice (DoJ) sa hukuman na ideklara itong terrorist organization.

“SEC. 17. Proscription of Terrorist Organizations, Association, or Group of Persons. – Any organization, association, or group of persons organized for the purpose of engaging in terrorism, or which, although not organized for that purpose, actually uses the acts to terrorize mentioned in this Act or to sow and create a condition of widespread and extraordinary fear and panic among the populace in order to coerce the government to give in to an unlawful demand shall, upon application of the Department of Justice before a competent Regional Trial Court, with due notice and opportunity to be heard given to the organization.”

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *