HANDS-OFF na si Pangulong Rodrigo Duterte sa anti-illegal drugs campaign.
Ito ay makaraan iutos ng pangulo na tanging ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na lamang ang maaaring magsagawa ng operasyon kontra sa ilegal na droga.
Ayon sa pangulo, hindi lang ang Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), National Bureau of Investigation (NBI) at iba pa ang kanyang pinagbawalan na makisawsaw sa operasyon kontra ilegal na droga kundi maging ang kanyang sarili.
Inatasan din ng pangulo ang human rights na makipagtulungan sa PDEA para habulin ang mga taong sangkot sa ilegal na droga.
Aminado ang pangulo na tiyak na magpipiyesta ngayon ang narco-politicians dahil hindi naman sapat ang mga tauhan ng PDEA para habulin ang lahat ng sangkot sa ilegal na droga.
(ROSE NOVENARIO)