Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Miss World Philippines Laura Lehmann, itinangging couple sila ni Diether

“WE’RE just friends.” Ito ang agad na isinagot ni Miss World-Philippines Laura Victoria Lehmann nang tanungin kung paano sila naging magka-date ng actor na si Diether Ocampo sa katatapos na Star Magic Ball.
Ani Lehmann pagkatapos pumirma ng movie contract sa Regal Entertainmentkasama ang iba pang grand winners ng nakaraang Miss World Philippines, naging magkaibigan sila ni Ocampo dahil nasa iisang kuwadra sila. Kapwa sila alaga niArnold Vegafria o ng ALV.
“Everybody in ALV management is very good friend. Wala namang problema roon sa pagpunta sa ball. We have fun and Diether is a very nice guy. He’s a gentleman. Naroon din naman si ALV,” sambit pa ng dalaga na dating UAAP courside reporter bago sumabak sa beauty pageant.
Kuwento ni Laura, nagkayayaan sila ni Diether dahil pareho naman silang walang ka-date sa ball. ”Pareho kaming walang date so walang malisya and ALV was also there. Si ALV parang tatay namin.”
Nang tanungin ang dalaga kung nililigawan ba siya ng aktor, mabilis itong sumagot ng, ”Hindi naman po.”
At kung puwede siyang ligawan ni Diether? ”Right now I’m taken,” at sinabing tatlong taon na sila ng kanyang basketball player na boyfriend.
Kasamang pumirma ng kontrata ni Lehmann sina Teresita Ssen Marquezna o mas kilala bilang si Wynwin Marquez, Miss Hispanoamericana Filipinas, Sohphia Senoron, Miss Multinational Philippines; Glyssa Leiann Perez, First Princess; at Zhaniethia Jimenez, Second Princess.
Dumalo sa pirmahan ang manager nilang si Vegafria at ang mag-inang Lily at Roselle Monteverde naman sa panig ng Regal.
Talagang hindi na mapigil si Mother Lily sa pagpaparami ng mga Regal Millennial Babies.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …