MULING pinutakti ng mura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga kritiko, ang imper-yalistang US, at pakialamerong European Union (EU).
Sa kanyang talum-pati, ibinulgar ng Pangulo na ang Amerika ang nagpopondo ng online news website na rappler.com, isa sa mga media organization na kritikal sa umano’y extrajudicial killings bunsod ng drug war ng administrasyon.
“US is funding Rappler,” aniya.
Hinamon ni Duterte ang US na magpondo ng mas maraming grupo na babatikos sa kanya.
Giit ng Pangulo, si American-Hungarian billionaire George Soros ang financier ng Human Rights Watch (HRW), ang New York-based human rights group, na matagal nang bumabatikos sa kanya sa isyu ng extrajudicial killings mula nang siya’y alkalde ng Davao City.
“Go ahead fund more. Soros is funding Human Rights Watch,” aniya.
Kamakailan ay nagbabala ang HRW at ilang international parliamentarians na posibleng mapatalsik bilang kasapi ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) ang Filipinas kapag nabigong itigil ang EJKs at tinanggihan ang independent investigation sa drug war ng administras-yong Duterte.
Kompiyansa si Duterte na hindi papayag ang mga tunay niyang kaibigan na China at Russia sa gustong mangyari ng EU at HRW.
“Do you think China and Russia will allow it?” sabi niya.
“Itong bleeding hearts, hindi naman si-guro mga bobo ang mga putang ina, bakit ang presentar lang nila at ang mga patay na drug addict, pero ang mga namatay na pulis at sundalo ko, Wala na!” Kayong mga EU kayo, Mga hijo de Puta kayo, you go! Do not dictate and interfere with us! You want to expel us, you try!” ani Duterte.
Hinamon din niya ang mga ambassador ng EU countries sa bansa na umalis ng Filipinas sa loob ng 24 oras.
Idineklara ng Pangulo na kapag napatay siya, US ang may kagagawan, partikular ang Central Intelligence Agency (CIA).
“Pag namatay ako, US ‘yan, CIA,” giit niya.
(ROSE NOVENARIO)