Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alessandra, sobrang nagalingan kay Ivan Padilla

HINDI itinanggi ni Alessandra de Rossi na sobra siyang nagalingan sa kaparehang si Ivan Padilla sa pinakabagong handog ng Viva Films, ang 12 na mapapanood na sa Nobyembre 8 at idinirehe ni Dondon Santos.
Si Ivan ay ang newcomer na unang nakita sa pelikulang 100 Tula Para Kay Stella bilang si Hunter, isa sa mga naging BF ni Bela Padilla sa pelikula. Kamag-anak siya ng mga Padilla (Robin, Rommel etc). Bago napunta sa ‘Pinas, lumalabas na si Ivan sa Hollywood. Katunayan, nanalo na siya ng award sa isang film festival. Marami na rin siyang nagawang American TV shows tulad ng Dexter at CSI: Miami, CSI: New York, at The Closer. Nakasama rin siya sa pelikulang Here Comes The Boom na pinagbidahan ni Salma Hayek. Mahusay din siya sa martial arts, lalo na sa Jiu-Jitsu.
Ani Alex (tawag kay Alessandra), sobra-sobra siyang nagalingan kay Ivan nang tanungin ito kung nakapasa ang actor sa panlasa niya.
“sabi ko nga, ‘Ivan ikaw na ang favorite actor ko rito sa Pilipinas, ha ha ha,”bungad nito. ”Siya ‘yung parang… basta ang galing, iba, iba yata kapag Hollywood.”
Sinabi ni Alex na natanong niya si Ivan kung madaling makapasok sa showbiz sa Hollywood kapag anak ng artista o kamag-anak ng isang artista. ”Ang sabi niya sa akin, ‘hindi, kailangan may certificate ka na nag-aral ka ng acting.’ Iyon pala ang credentials niya. Kasi inaral niya talaga ang acting for 10 years kaya magaling.”
Kaya naman daw sa isang eksena nila, nasabi niya sa sarili na dapat ay malampasan niya ang ipinakita ni Iva. ”Kinausap ko si Direk Dondon, sabi ko, dapat malampasan ko ‘yun ha, ha, ha. May eksena na nagsasagutan kami pero magkahiwalay na eksena. Ang galing-galing ni Ivan. Parang ‘yung ‘Direk hindi na ako iiyak, tulala na lang dahil hindi ko malampasan yung ginawa niya (Ivan), ha, ha ha,” kuwento pa ng aktres.
Ang 12 ay kuwento nina Anton at Erika na nagsimula bilang magkaibigan sa loob ng limang taon at naging magkasintahan ng sumunod na pitong taon. Sa kabuuan, 12 taon ang pagsasama nila. Si Anton ay isang commercial director habang is Erika naman ay dating miyembro ng isang banda na ibinuhos ang panahon sa pag-aalaga at pagmamahal kay Anton. 
Isang romance-drama ang 12 na isinulat ni Alex bago pa man ginawa ang Kita Kitanila ni Empoy Marquez. January last year pa ito ginawa ni Alex na hindi kaagad nai-shoot dahil wala silang mahanap na magiging leading man. ”Masyado kasing mabigat ang role. So parang nag-iisip kami kung sino puwede. Nakalimutan na iyong project,” kuwento ng aktres.
“Then after ‘Kita kita’, nahalungkat ko siya uli. Sabi ko maghanap na kami ng leading man kahit na ‘yung baguhan okey ako basta magaling umarte.
“Ayoko ng maraming walls, kasi kapag kaeksena mo ang hirap-hirap todasin. So, noong si Dondon Santos ay nag-status sa Facebook ng ‘who is willing to work with Alesandra de Rossi, walang bayad, small project lang’ ganyan-ganyan, itinag itong si Ivan.
“Tapos noong nakita ko ‘yung mukha, ‘uy pwede ito a’. Pero noong tsinek ko ang real name niya at saan galing, sabi ko ‘direk nahanap ko na ang leading man ko, siya na talaga’. Kaya natuloy na siya finally.”
At dahil sa tagumpay ng Kita Kita, natanong ang aktres kung maninibago ang mga tagahanga niya. ”Siyempre kung naghahanap kayo ng romcom, o comedy hindi ito iyon. This is a dramcom, charot. Drama romance. Seryoso ito kasi noong isinulat ko ito gusto ko lang talaga ng kabatuhan, gusto kong makatrabaho ang isang magaling na actor.
“Knowing me na ang dami kong tinatanggihan na romance na pelikula because of kissing scenes, lovescene, hindi kasi ako ganoon eh, rito dapat ang lovers dito sobrang tagal na nila, na wala na silang passion sa isa’t isa para hindi na kailangan ng halikan ha ha ha,” giit pa ni Alex.
At hindi naman nagsisi si Alex sa pagkuha nila kay Ivan dahil, “Sobrang nagalingan ako sa kanya. Sobrang galing.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …