Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ms World-PH winners, Regal babies na!

REGAL Millennial Babies na ang mga nagsipagwagi sa Ms World-PH. Noong Mrtes, pumirma ang naggagandahang beauty queen ng movie contract sa Regal.
Sa pagpirmang ito, parami ng parami ang listahan ng bagong Regal Millennial Babies.
Kasabay nito, in full blast din ang paggawa ng pelikula ng Regal Entertainment gayundin ang pagbibigay ng movie break sa mga newbie.
Ang mga pumirma ng kontrata sa Regal ay sina Miss World Philippines Laura Victoria Lehmann. Bago nakuha ni Lehmann ang korona, isa muna siyang UAAP courtside reporter at nang sumabak sa beauty pageant ay agad pinalad na makuha ang korona.
Pumirma rin ng kontrta si Teresita Ssen Marquez na mas kilala sa showbiz bilang si Wynwin Marquez, anak nina Alma Moreno at Joey Marquez. Siya ang itinanghal na Miss Hispanoamericana Filipinas na sa Bolivia makikipagtunggali.
Kasama rin bilang Regal Millennial Babies sina Sophia Senoron, Miss Multinational Philippines; Glyssa Leiann Perez, First Princess; at Zhaniethia Jimenez, Second Princess.
Dumalo sa pirmahan ang manager nilang si Arnold Vegafria at ang mag-inang Lily at Roselle Monteverde sa panig ng Regal. Fresh faces, beauty and brains ang Miss World-PH winners kaya swak na swak sila sa mga bagong projects ng Regal.
Bongga naman ang mga susunod na offering ng Regal, sa November 8, ang pelikula nina Barbie Forteza at Kean Chan, ang matutunghayan. Ito ay ang This Time I’ll Be Sweeter na idinirehe ni Joel Lamangan. Sa paglabas pa lamang ng trailer nito sa social media, kaagad itong humamig ng milyones na views at likes, kaya naman ramdam ang kasabikan para mapanood ang dalawa.
Inaabangan na rin ang Haunted Forest nina Jane Oineza, Maris Racal, at Hashtag members James Blake at Jon lucas na idinirehe naman ni Ian Lorenos.
Marami rin ang humanga sa teaser ng Janella Salvador-Elmo Mgalona starrer, ang My Fairy Tail Love Story na idinirehe ni Perci Intalan. Maging ang pelikula ng premyadong director na si Joey Reyes, ang Recipe For Love nina Christian Bables at Cora Waddell ay hinihintay na rin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …