Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Spirit of the Glass 2: The Haunted, scariest movie of the year

NAGBABALIK si Direk Jose Javier Reyes sa paggawa ng isa na namang katatakutang pelikula, ang Spirit of the Glass 2: The Haunted.
Sinasabing kung natakot na kayo sa unang Spirit of the Glass, sa Nobyembre 1, tiyak na mapapaos kayo sa katitili dahil talaga namang nakahihindik ang mga tagpong mapapanood na ipakikita ng mga bagong bida ritong sina Cristine Reyes, Daniel Matsunaga, Enrico Cuenca, Benjamin Alves, Janine Gutierrez, Dominique Roque, Aaron Villaflor, actress-TV host Ashley Ortega, at ang country’s most promising star Bb. Pilipinas-Universe 2016 Maxine Medina.
Naniniwala ang power team ng Octo Arts Films sa pangunguna ni Boss Orly Ilacad at si Reyes na ang  Spirit of the Glass 2: The Haunted ay matatapatan o ‘di man malalampasan ang tagumpay ng unang Spirit of the Glass na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes, Rica Peralejo, Ciara Sotto, Jake Cuenca, Paolo Contis, Drew Arellano, Alessandra de Rossi, at Marvin Agustin. 
Ayon kay Direk Joey, ”Yes, the sequel is totally independent from the original story. However, it also employs the same tropes of the first ‘Spirit..’ that is, the discovery of an ouijaboard and the carelessness of opening the gateway of the ‘other world’ into the domain of the living..  The characters are different but there are echoes of the original in terms of story structure.” 
Ang pelikula ay ukol sa tatlong magkakaibigan, sina Bea (Cristine), isang lifestyle editor; Lisette (Ashley), isang up and coming young actress; at Chelsea (Maxine), isang popular model sa mainstream at viral advertising na sumikat sa pamamagitn ng social media at nakilala sa  Instaglams. Ang tatlo na mga bata pa, magaganda, at unsuccessful ay hindi akalaing mapupunta sa mundo ng supernatural dahil sa Ouija board na namana ni Bea sa kanyang grandaunt.
Hindi sinasadyang nabuksan ng tatlo kasama ang kani-kanilang boyfriend ang gate ng other world na may tatlong spirits na kokonek  sa kanila nang laruin ang Ouija Board kaya naistorbo ang mga kaluluwang humihingi ng katarungan mula sa isang krimeng nangyari 50 years ago. Dito nagsimula ang habulan.
Ang Spirit of the Glass 2:The Haunted ay mula sa OctoArts Films sa pakikipagtulungan ng T-Rex Entertainment. Kaya kung hanap ninyo ay nakatatakot at magandang horror movie, ‘wag palampasing hindi mapanood sa opening day sa  Nov. 1.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …