Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Enrique, nahirapan sa Seven Sundays; Rated A sa CEB

AMINADO si Enrique Gil na nahirapan siyang maka-relate sa ginagampanan niyang role sa Seven Sundays, isang family dramedy na handog ng Star Cinema at mapapanood na simula ngayong araw, Oktubre 11.
Ayon kay Quen, ginagampanan niya ang role ni Dexter, bunso sa mga anak ni Ronaldo Valdez. Kapatid niya rito sina Aga Muhlach, Dingdong Dantes, at Cristine Reyes.
“I was hard for me to relate roon sa character because it was totally opposite of me I was used to, I was very close to my family. Si Dexter, he never grew up with them, hindi niya masyado kilala, so far from me kasi ako very close ako sa mom ko, sa dad ko.
“Siguro ‘yung what was really help ‘yung umalis sila (family) nasa London sila, ginagamit ko ‘yun kasi umuwi ako as in ako lang mag-isa. Sobrang tahimik ang bahay. Walang pagkain. Tinatawagan ko nga si Mama. Pinariringgan ko kung hindi niya ba ako nami-miss,” ani Quen.
Sinabi pa ni Quen na, ”Hindi ko maipaliwanag ang aking excitement noong nalaman kong makatrabaho sina Aga, Dingdong, Cristine, at Tito Ronaldo. I felt so excited and nervous at the same time. Alam kong dapat kong paghandaan ang pagganap ko sa papel ni Dex because I will be working with such fine actors. Excited din ako dahil alam kong marami akong matututuhan sa mga  co-actor ko.”
Bale ang Seven Sundays ang ikalawang pelikula ni Enrique na si Direk Cathy Garcia-Molina ang nagdirehe. Ang una ay ang My Ex And Whys na pinagsamahan nila ni Liza Soberano.
“Sobra akong saya at thrilled to work with Direk Cathy once again. I feel so blessed to bea able to work with her twice in the same year,” sambit pa ng actor. ”Hindi natatapos ang learning tuwing kasama ko si Direk Cathy. Sa una naming pelikula, we did a romantic comedy, ngayon naman family drama-comedy at ensemble movie rin ito. So, I am able to learn new things under the guidance of Direk Cathy.”
Ang Seven Sundays ay isang heartwarming film na nagpapaalala sa bawat Pinoy na bagamat hindi lahat ng pamilya ay perpekto, isa lamnag ang tiyak—hindi mawawala ang pagmamahalan ng bawat miyebro sa isa’t isa sa kabila ng kanilang mga poblemang kinakaharap.
Rated A sa Cinema Evaluation Board ang Seven Sundays na mapapanood na simula ngayong araw at handog ng Star Cinema.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …