Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Xander Ford iginiit, ‘di masama ang ugali niya

PINABULAANAN ni Xander Ford na masama ang ugali niya. Pangit lang siya at retokado pero hindi siya masamang tao. May mensahe rin siya kay Ogie Diaz na hindi lumaki ang ulo niya at yumabang.

Narito ang  litanya ni Xander Ford sa kanyang social media account.

“Sa mga galit sa akin para po sa inyo ito at kay Tito Ogie Diaz. Gusto ko pong malaman n’yo na hindi naman totoo ‘yung ipinapakalat n’yo about sa akin na masama ugali ko kesyo lumaki po ulo ko. Paano n’yo po nalaman? Buong buhay ko puro panlalait ang nakukuha ko sa mga tao. Inilalabas n’yo po na hindi ako marunong makisama. Una po sa lahat nagpapakahirap ako para ipakita na ginawa ko, ang procedure na ito kahit ayaw ko. Para mabago ang tingin n’yo.

“Opo umiiyak ako kasi hindi n’yo po kasi inaalam kung ano ginagawa ko. Paano po ba gusto n’yo gawin ko? Magmakaawa po ako hirap na hirap na po ako sa mga naririnig ko. Nakaiiyak kasi, kayo po ‘yung matanda na dapat nakauunawa sa akin, pero kayo pa po ang naghihila sa akin pababa. Sana malaman n’yo po na wala akong alam sa sinasabi n’yo. Puro taping, puro trabaho po ako wala po akong tinanggihan kahit sino po sa inyo. Wala akong tinatapakang tao.

“Sana ipaalam n’yo po sa akin kung ano po ‘yung sinasabi n’yo sa akin. Nakikisama naman po ako. Kung may naririnig kayo about sa kung ano man ‘yun isang kadahilanan ng pag-iyak ko. Kung ganyan po ang tingin n’yo sa akin. Sorry po sa lahat ng mga nagagalit kahit hindi ko po kayo kakilala. Magso-sorry na po ako. Nagmamakaawa ako sana Tito Ogie Diaz kausapin n’yo muna ako bago mo po ako husgahan kasi po narinig n’yo lang naman po. Ano pa pot kayo ang hinahangan ko mula ‘pag kabata ko tapos po ganyan po. Sinisiraan mo po ako Tito Ogie Diaz wala po akong tinatapakan na tulad n’yo. Nag -show po ako na minsan hindi ako nagpabayad  kasi gusto ko makapagpasaya ng tao at hindi manakit tulad po ng ginawa n’yo sa akin ngayon. Sorry Tito Ogie Diaz kung may nagawa po ako sa ‘yo. Pasensiya na po kung nasasapawan ko kung ano man po ang mayroon sa inyo. Nanghihingi po ako ng pasensiya. Pangit lang po ako at retokado pero po hindi po ako masamang tao. Simpleng tao lang po ako at ‘di kasing yaman at kasing sikat n’yo.

“Nagso-sorry po ako sa lahat ng mga taong galit sa akin. Pasensiya na po. God bless po sa inyo. Si God na po bahala sa ginagawa n’yo po sa akin. At sa akin alam ko wala akong tinatapakang tao alam ni Papa God ‘yan. Laking mahirap lang po ako na gustong maiahon ang pamilya ko sa kahirapan.”

TALBOG!
ni Roldan Castro



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …