MARIING kinondena ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang pagpatay sa isang dating kapitan ng isang barangay sa nabanggit na lungsod, kamakailan.
Kaugnay nito, iniutos ni Tiangco sa Navotas City Police ang mabilis na imbestigasyon sa pagpatay ng riding-in-tandem kay dating San Roque/San Juan barangay chairman Benildo Ocampo, na ikinasugat din ng kanyang tao na si Pompy Macario.
Kailangan aniyang agad makilala at mada-kip ang nasa likod ng pananambang na isa ani-yang “heinous crime.”
Ipinaabot din ni Tiangco ang kanyang taos-pusong pakikiramay sa mga naulila ni Ocampo.
Nitong Miyerkoles, dakong 4:30 am nang maganap ang insidente sa M. Naval Street, Brgy. Daang Hari, sa nasabing lungsod.
Galing sa fish port at pauwi na si Ocampo, habang angkas sa motorsiklo ni Macario, nang tapatan sila ng mga suspek at walang habas na pinagbabaril.
Makaraan ang pa-mamaril, tumakas ang mga suspek habang sinaklolohan ng mga residente sa lugar si Macario at isinugod sa Tondo Medical Center.
Hindi na nagawa pang madala sa ospital si Ocampo dahil agad siyang binawian ng buhay. (JUN DAVID)