Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

NU, UST nanalasa sa Beach Volleyball (UAAP Beach Volleyball)

AYAW paawat ng defending  champion University of Santo Tomas Tigresses at Far Eastern University Lady Tamaraws upang manatiling nasa unahan ng women’s standings sa UAAP beach volleyball tournament sa Sands SM By The Bay.

Kinalos nina Tigresses spikers Cherry Rondina at Caitlyn Viray sina Bea de Leon at Jules Samonte, 22-20, 21-15 ng Ateneo Lady Eagles upang manatling malinis ang karta sa tatlong laban.

Pininta rin nina Lady Tamaraws duo, Bernadeth Pons at Kyla Atienza ang 3-0 card matapos paluhurin sina  Tin Tiamzon at May Luna, 21-23, 21-14, 15-10 ng De La Salle Lady Spikers.

Nasa solo third ang University of the Philippines Lady Maroons na binabandera nina Diana Carlos at Ayel Estrañero, (2-1) matapos talbusin sina Bern Flora at Chrislyn Uy,  21-13, 23-21 ng Adamson University Lady Falcons.

Nilista ng University of the East Lady Warriors ang unang panalo matapos manaig nina Judith Abil at Angelica Dacaymat kina Roma Doromal at Audrey Paran ng National University Lady Bulldogs, 21-14, 19-21, 15-11.

Kasalo ng Lady Warriors ang Lady Eagles, Lady Spikers at Lady Falcons na may tig 1-2 cards habang bokya pa rin sa panalo sa tatlong salang ang Lady Bulldogs.

(ARABELA PRINCESS DAWA)



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …