Saturday , November 16 2024
Stab saksak dead

Mason patay sa saksak ng katagay

PATAY ang isang mason nang pagsasaksakin ng katrabaho dahil sa mainitang pagtatalo habang nag-iinoman sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Agad binawian ng buhay sa insidente ang biktimang si Carlos Alerenio, nasa hustong gulang, at stay-in mason sa itinatayong ELEV townhouse sa Camarin Road, Brgy. 172, ng nasabing lungsod.

Habang patuloy na tinutugis sa follow-up operation ng mga pulis ang suspek na si Grigie Paja, 34, laborer, at residente sa 57 San Roque St., Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City, tumakas makaraan ang pananaksak.

Batay sa ulat ni PO1 Kaliver Castillejos kay Caloocan police chief, Sr. Supt. Jemar Modequillo, dakong 4:30 am, nang matagpuan ang wala nang buhay na biktima sa ground floor ng gusali, i-lang metro ang layo mula sa kanilang barracks.

Sa imbestigasyon, nabatid na nag-iinoman ang mga construction worker nang magtalo ang suspek at biktima sa hindi nabatid na dahilan.

Inawat ng kanilang mga kasama ang dalawa ngunit habang natutulog ang biktima sa loob ng barracks ay pinagsasaksak siya ng suspek.

Bagama’t sugatan, nagawang tumayo ng biktima at lumakad ngunit pagdating sa labas ay bumagsak na walang buhay. (ROMMEL SALES)



About Rommel Placente

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *