Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marc Cubales, lagare sa 2 int’l movie at album

BAGONG Mark Cubales ang nakaharap namin isang gabi sa Cafe Marla-Coffet sa Sct. Limbaga, Quezon City dahil para pala iyon sa isang international movie na ginagawa niya.

Nagpa-iba ng kulay ng buhok, gumanda ang katawan, at hindi itinangging ipinaayos ang ilong para sa mga proyektong natanguan nila ng kanyang handler. 

Ang tinutukoy namin ay ang The Syndicates na kinunan sa Vietnam at dito sa ‘Pinas.

Ani Marc, ang kanyang dating handler sa UK ang gustong baguhin ang imahe niya. 

“Maikli lang po ang role ko sa ‘The Syndicates’. Isang Twinkish gay ang role ko na parte ng isang sindikato at anak ng isang maimpluwensiyang pamilya sa ‘Pinas,” kuwento ni Marc.

Bukod sa The Syndicates, ang isang pelikula pang gagawin niya ay isang Hollywood movie naman na gagawin sa Taipei.

“Puro Asian look naman ang hanap nila rito at ‘yung wala pang nagagawang movie kaya swak na swak ako rito,” kuwento pa ni Marc.

Nagvo-voice lesson din si Marc para paghandaan ang isang album na ire-record niya.

“Magiging apat na ang kanta ko ha ha ha,” pagbibiro nito sa amin pero iginiit na  talagang seryoso sa mga trabahong natanguan ngayon. Kaya naman dinibdib ang pagpapaganda ng katawan.

“Hindi naman kailangang magkaroon ako ng abs, kailangan lang maging lean ang katawan ko. And so far okey naman at natutuwa ako sa nangyayari sa akin ngayon,” sambit pa ng model/entrepreneur.

Umaasa si Marc na ito na ang umpisa ng lalo pang papagandang career niya sa showbiz.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …