Saturday , November 16 2024

30-anyos rider pisak sa 14-wheeler truck

BASAG ang bungo at wala nang buhay ang motorcycle rider na si John Raguindi makaraan masagasaan ng 14 wheeler truck (EVR-184) habang binabagtas ang northbound lane ng EDSA, Tramo, Pasay City kamaka-lawa ng gabi. Arestado makaraan ang insidente, ang truck driver na si Romeo Gastilo, nakapiit sa Pasay City Traffic Management Office sa lungsod ng Pasay.(ERIC JAYSON DREW)

BINAWIAN ng buhay ang isang 30-anyos motorcycle rider makaraang masagasaan ng isang 14-wheeler truck sa Pasay City, nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ang biktimang si John Raguindi, agad nalagutan ng hini-nga sanhi nang matin-ding pinsala sa ulo at katawan.

Ang driver ng 14-wheeler trailer truck (EVR 184), na si Romeo Gastilo, nasa hustong gulang, ay nasa kustodiya ng Pasay City Traffic Enforcement Unit.

Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO3 Ricky Murillo, dakong 10:00 pm nitong Sabado nang mangyari ang insidente sa EDSA-Malibay,Tramo.

Napag-alaman, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo sa lugar nang tangkain ni-yang mag-over take sa isang puting kotse sa kanyang harapan sa northbound lane ng kalsada.

Sinasabing biglang nasagi ng kotse ang motorsiklo kaya sumem-plang at nasagasaan nang parating na trailer truck na minamaneho ni Gastilo.

Galing ng Batangas at patungong Caloocan City si Gastilo, nang maramdamang tila may nasagasaan siya at nakita sa side mirror ang nakasemplang na motorsiklo kaya agad siyang huminto.

Sa pulisya, sinabi ng driver na wala siyang kasalanan sa nangyari at itinangging mabilis ang pagpapatakbo niya sa truck.

(JAJA GARCIA)



About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *