PINAALALAHANAN ng Palasyo ang Simbahang Katolika na maging mapanuri sa pagtanggap ng mga pulis na nais tumestigo laban sa umano’y extrajudicial killings sa bansa dahil posibleng sinasabotahe ang drug war ng administrasyon.
“We hope the Church exercises due diligence as there are drug protectors, kidnappers, kotong and ninja cops who want to destroy the ongoing campaign against illegal drugs; furthermore we urge a certain objectivity to avoid being used by said aberrations,” ani Presidential Spokesman Ernesto Abella.
Sa press briefing sa Malacañang kahapon, inihayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Maj. Gen. Restituto Padilla, posibleng gamitin ng mga police scalawag ang Simbahan para makaiwas sa pananagutan sa kinasangkutang mga ilegal na gawain.
“We take it that we would like to forewarn the church to just be discerning, which means to say that it could be possible that not all those who seek the help of the church, saying they are seeking help because they want to mend their ways may not be who they say they are,” aniya.
“O baka ginagamit lang ang church para makatakas sila nang husto at makabalik sa mga dati nilang ginagawa,” dagdag niya.
Gayonman, nagpapasalamat ang Palasyo sa pagsusumikap ng Simbahan, bilang bahagi ng pamayanan, na tumulong sa usapin.
Kamakailan, isiniwalat ni outgoing Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na may mga pulis na nais ikumpisal ang kanilang nalalaman sa EJKs alinsunod sa drug war ng administrasyong Duterte.