Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

NAIA employees bawal lumiban (Ngayong peak season)

NAGBABALA ang Bureau of Immigration (BI) sa kanilang mga empleyado sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), na iwasan ang pagliban sa trabaho kung ayaw maparusahan.

Ito ay kasabay nang pagsisimula ng peak season ngayong papa-lapit ang Kapaskuhan. 

“The peak travel season has started. I am asking our immigration officers at the airport to be punctual and avoid unnecessary absences,” ani Morente.

Kasabay nito, ipinasusumite ang mga pa-ngalan ng mga empleyadong madalas lumiban o nahuhuli sa pagpasok sa trabaho upang hingian ng paliwanag kung bakit hindi sila dapat patawan ng parusang administratibo. 

“We have also noticed that some of our personnel have a tendency to file leaves of absence before and after their days-off and during weekends and holidays…This practice should be stopped,” ani Red Mariñas, BI port o-perations division chief. 

Ayon sa civil service rules, ang madalas na hindi awtorisadong pag-liban ay maaaring magresulta sa suspensiyon o pagkakatanggal sa trabaho. 

Tiniyak ni Morente, sapat ang kanilang mga tauhan para serbisyohan ang pagdagsa ng mga pasahero sa nasabing paliparan.  (GMG)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About G. M. Galuno

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …