PAPASOK sa joint venture sa pribadong sektor ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para paupahan ang kampo ng Philippine Army sa Fort Bonifacio sa Taguig City upang makalikom ng pondong pantustos sa mga pangangailangan ng mga sundalo gaya ng P50-B trust fund.
Inihayag ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang nasabing plano sa kanyang talumpati sa “change of command ceremony” sa PA headquarters sa Fort Bonifacio, kahapon.
Aniya, mamili ang Philippine Army sa Clark Air Base o iba pang base militar na puwede nilang lipatan at gawing headquarters.
Ipinangako ng Pangulo na ang kikitain sa na-sabing iskema ay idadagdag sa pondo para sa modernisasyon ng AFP at iba pang pangangaila-ngan ng mga kawal.
Itinalaga ni Duterte si outgoing Army chief, Lt. Gen. Glorioso Miranda bilang bagong board member sa Bases Conversion Development Authorty (BCDA).
Si Miranda ay pinalitan ni Maj. Gen. Rolando Bautista bilang Army chief, mula sa pagiging pinuno ng Joint Task Force Marawi.
(ROSE NOVENARIO)