Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Yellow-Red’ alliance itinuro sa destab plot

NAGSASABWATAN ang mga dilawan at mga pulahan para pabagsakin ang administrasyon, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Pangulo, may alyansa ang maka-kaliwang grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa Liberal Party para patalsikin siya sa puwesto.

Bahagi aniya sina Ombudsman Conchita Carpio-Morales at Chief Justice Ma. Lourdes Se-reno sa pagsusumikap para pabagsakin ang kanyang gobyerno.

“In fairness also to the ladies, actually she is just part of the concerted effort which I cannot clearly state would be a part of the program ng left. But what is really very clear is ‘yung left pati — ang kaalyado ng left is, ng mga Bayan is the… mga… ‘yung mga dilaw. Gusto nila ako paalisin dito sa Malacañan,” anang Pa-ngulo nang tanungin sa tactical alliance ng mga grupong gusto siyang pabagsakin.

Paliwanag niya, sa AFP-PNP command conference kamakalawa ng gabi, hinimok niya ang mga heneral na magtu-ngo sa tanggapan ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) at kapag natuklasan na may mga bilyones siyang pera sa banko ay agad siyang patalsikin sa puwesto.

“Ako sinabi ko kagabi sa AFP-PNP Command Conference, if you think that I’m lying, tutal mga general man kayo, may kaibigan man kayo diyan. Pumunta na lang kayo doon sa AMLC ng opisina at pindutin ninyo ‘yung computer and if you see billions of… in my account, kindly, most kindly please, oust me tomorrow,” aniya. Tiniyak ng Pangulo, hindi lalagpas sa P40 milyon ang naipon niya sa loob ng nakalipas na 40 taon bilang kawani ng gobyerno.

(Rose NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …