HINATAW ng defending champion San Beda College Red Lions ang 13-game winning streak matapos nilang isalya ang Perpetual Help Altas, 55-50 sa 93rd NCAA basketball tournament sa San Juan City.
Bumira si Robert Bolick ng 15 points habang may 14 si Donald Tankoua para sa Red Lions na tumibay ang kapit sa pangalawang puwesto matapos ilista ang 14-1 card.
Ayon kay Bolick hindi nito gusto ang kanyang ipinakitang laro kahit siya ang namuno sa opensa.
Bumawi sa depensa si Bolick kasama si Franz Abuda upang pigilin ang mga kamador ng Altas sa dulo ng laro.
Kagaya ni Bolick, hindi rin kuntento si coach Boyet Fernandez sa ipinakita ng kanyang mga bataan.
Bumakas din sina AC Soberano at Javee Mocon ng tig siyam at walong puntos ayon sa pagkakasunod para sa Red Lions.
May tig nine markers sina Jeff Coronel, Keith Pido at Gab Dagangon para sa Altas habang bumakas Prince Eze ng walong puntos.
Samantala, nagwagi sa pangalawang laro ng seniors division ang Jose Rizal University Heavy Bombers laban sa College of Saint Benilde Blazers, 90-77.
Lumakas ang tsansa ng Heavy Bombers na sumampa sa Final Four, nasa third spot sila kapit ang 9-6 card.
(ARABELA PRINCESS DAWA)
Check Also
Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025
NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …
Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23
QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …
4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre
SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …
P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV
Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …
Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit
IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …