Monday , May 12 2025

Paddock 2 beses namalagi sa bansa

DALAWANG beses pumasok sa bansa ang suspek sa Las Vegas mass shooting na si Stephen Paddock, 64 anyos, noong 2013 at 2014.

Nabatid ito kay Bureau of Immigration (BI) Ports Operation Division chief Marc Red Mariñas, at kinompirma rin na ang Pinay girlfriend ni Paddock na si Marilou Danley ay umalis sa bansa nitong gabi ng Martes sakay ng Philippine Airlines Flight 102 patungong Los Angeles.

Ibig sabihin, nasa bansa si Danley nang maganap ang masaker sa Las Vegas.

Ani Mariñas, si Paddock ay namalagi sa Filipinas, una noong 2013, sa loob ng anim na araw at ganoon din noong 2014. 

Sa parehong okasyon, kasama niya sa biyahe si Danley at walang naiulat na negatibong insidente.

Nag-iisa umano ang 56-anyos na si Danley nang umalils patungong Estados Unidos, na naghihintay sa kanyang pagdating.

Naniniwala ang mga awtoridad sa nasabing bansa na makatutulong sa imbestigasyon kung makakausap nila si Danley.

Si Paddock ang itinuturong responsable sa pagbistay ng bala sa isang music festival sa Las Vegas na ikinamatay ng 59 katao at ikinasugat ng 500 iba pa.        
      
Ayon kay Mariñas si Danley ay mula sa Pambuan, Nueva Ecija at isa nang Australian citizen.

Sa rekord, sinabi ni Mariñas, si Danley ay dumating sa bansa nitong 15 Setyembre 2017 mula Japan at noong 22 Setyembre ay umalis patu-ngong Hong Kong. 

Bumalik siya sa Fi-lipinas nitong 25 Setyembre at muling umalis patungong Amerika, kamakalawa ng gabi.

Walang masamang rekord o ano mang na-kabinbing kaso sa bansa si Danley.

Inaasahang sasailalim sa imbestigasyon si Danley pagdating sa Estados Unidos.

Magugunitang ginulantang ni Paddock ang mundo nang bistayin niya ng bala ang publikong nanonood ng country music concert, tinaguriang ‘the worst mass shooting in mo-dern US history.’  
          
Nasa 32nd floor ng Mandalay Bay Hotel si Paddock nang bistayin ng bala ang mga manonood. Natagpuan siyang patay matapos ang insidente na pinaniniwalaang dahil sa suicide.

Ayon sa pulisya, walang masamang record si Paddock habang hindi maintindihan ng kanyang kapatid na lalaki kung bakit niya nagawa ang karumal-dumal na krimen. (GMG)

About G. M. Galuno

Check Also

Bagong Pag-asa sa Bagong Balayan, dinagsa!
Miting de Avance Dinagsa

EMOSYONAL na nagtapos ang miting de avance ng Team Bagong Balayan sa pangunguna ni mayoralty …

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *