MALAKI ang naging ambag ni Nigerian center Chibueze Ikeh sa dalawang huling panalo ng Ateneo Blue Eagles sa UAAP Season 80 basketball tournament.
Nagtala si 6-foot-7 Ikeh ng average na 12.5 ppg, 11.0 rpg, 2.0 apg, at 1.5 bpg sa huling dalawang laro niya sapat para tulungan ang Blue Eagles na ilista ang malinis na anim na panalo.
Dahil sa kanyang kabayanihan tinanghal siyang UAAP Press Corps Chooks-to-Go Player of the Week.
Tumikada si Ikeh ng pitong puntos, 11 rebounds, tatlong assists at dalawang steals nang talunin nila ang University of Sto. Tomas, 94-84 noong Miyerkoles.
Makaraan ang tatlong araw, kumana si Ikeh ng career-high 18 points kasama ang 11 caroms at dalawang blocks para sa 96-83 panalo ng Ateneo kontra National University Bulldogs.
Sinalpak din ni Ikeh ng dalawang three pointers laban sa Bulldogs.
Hindi nasorpresa ang coaching staff ng Ateneo sa pangunguna ni coach Tab Baldwin dahil may go-signal naman si Ikeh na tumira sa tres.
Puntirya ng Ateneo ang first round sweep pagharap nila sa defending champion La Salle sa Linggo sa Mall of Asia Arena sa Pasay.
(ARABELA PRINCESS DAWA)
Check Also
Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025
NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …
Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23
QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …
4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre
SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …
P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV
Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …
Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit
IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …