Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Eze tanggal na sa NCAA MVP race

TULUYAN nang natanggal sa mainit na karera ng Most Valuable Player si Prince Eze matapos ang pagkawala ng tsansa ng Perpetual na makapasok sa Final Four ng NCAA Season 93.
Kasalukuyang nangunguna sa karera, wala nang tsansang magtapos sa unahan ang Nigerian na si Eze dahil sa pagkakatalo ng Altas sa nagdedepensang kampeon na San Beda Red Lions, 55-50 kamakalawa.
Ayon sa mandato ng NCAA, hindi maaaring magwagi ng MVP ang manlalaro kung hindi aabot sa Final Four ang kanyang koponan. Sa 4-10 kartada ng Perpetual, hindi na sila aabot sa Final Four kahit pa maipanalo ang huling apat na laro.
Bunsod nito, wala nang tsansa si Eze sa kabila ng halimaw na mga numero nitong 15.5 puntos, 17.2. rebounds at 2.6 blocks.
Maiiwan sa mga kamay ng magkasangga sa Lyceum na sina Mike Nzeusseu at CJ Perez ang tsansang maagaw ang manibela papasok sa dulo ng eliminasyon.
Nagrerehistro si Nzeusseu ng 10.9 puntos, 11.1 rebounds at 1.1 blocks habang mayroong 18.6 puntos, 6.7 rebounds, 3.5 assists at 1.5 steals si Perez para sa nangungunang Pirates na may 15-0 kartada.
Samantala, nasa likuran sina Javee Mocon ng San Beda, Rey Nambatac ng Letran at Sydney Onwubere ng Emilio Aguinaldo College.
Kumakana ng 12.5 puntos, 10.4 rebounds at 3.5 assists si Mocon, si Nambatc ay may 16.6 puntos, 8.3 rebounds at 3.0 assists habang tumitikada ng 15.8 puntos, 11.2 rebounds at 1.5 blocks si Onwubere.
Huling nanalo ng MVP si Jay Sagad mula sa hindi nakapasok sa Final Four na College of St. Benilde noong Season 81.

ni John Bryan Ulanday

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

Camila Osorio Alex Eala

Osorio binigo si Eala na makapasok sa semis ng Philippine Women’s Open

SA PINAGSAMANG lakas at husay, pinigil ng Colombian na si Camila Osorio, si Alex Eala …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …