AFTER more than 20 years, nagbabalik si Brylle Mondejar subalit hindi sa telebisyon kundi sa teatro.
Nakausap namin si Mondejar sa presscon ng Solo Para Adulto’s, isang sex comedy play na handog ng Red Lantern Production at mapapanood sa October 20, 8:00 p.m. sa Music Museum.
After That’s Entertainment, nag-concentrate pala si Mondejar sa pagbabanda dahil ito naman ang ginagawa niya bago siya madiskubre ni Mr. German Moreno.
Aniya, ”I was out of the country for quite sometimes, biyahe-biyahe, tumugtog ka sa Royal family ng Brunei, sa military base. And then pagbalik ko ng Pilipinas naging Barangay Councilor ako sa may Tomas Morato banda and then I entered theater, doon na nagsimula,” saad ni Mondejar na medyo nadagdagan ang timbang.
Sinabi ni Bryle na ang kapatid ni Judy Ann Santos na si Jeffrey ang kumaray sa kanya para subukan ang teatro. ”Mga 2007 or 2008 ‘yun. Actually it’s an accident, pero it’s a blessing pala. Jeffrey is into theater na pala, hindi ko alam, inaya lang niya ako na may pupuntahan daw kami.
“I didn’t know na rehearsal pala ‘yung pinuntahan namin at ang director ay si Nino Muhlach. Doon ko na-witness ‘yung grabe, ibang-iba pala ang theater,”pagkukuwento nito at iginiit na magaling si Nino nang sabihin naming marunong palang magdirehe ang dating child actor.
“He was directing ‘El Filibusterismo’ that time at si Jeffrey ang gumaganap na Don Simon, siya ang lead. After that, may kulang pala na cast kaya pala niya ako isinama ay para ipakilala. Inalok nila ako at sabi ko nga, wala akong alam, kumakanta lang ako.
“Pinagtiyagaan naman ako ni Nino na turuan. Ginampanan ko ang Kabesang Tales sa play na iyon. From there, nagtuloy-tuloy na.”
Sinabi pa ni Bryle na fulfilling ang naramdaman niya sa pagganap sa teatro. ”If you really love your craft, fulfilling, ibang-iba ‘yung… I have nothing against TV, I mean I enjoyed my time in TV, pero in terms of craft, magagaling naman talaga ‘yung nasa TV kasi kunwari kailangan mong umiyak. Sasabihan ka ng director let us know when you are ready, puwede ka pang bumwelo, emote-emote ka. Sa theater, hindi puwede, ‘pag tumakbo na ‘yung play at ‘pag hiningi ng eksena na iiyak ka it has to come out automatically. Wala nang hintayan pa.
“One thing pa is ‘yung gratification, instant. Kapag nagawa mo ‘yung role, people will clap, so you know na okey, you did something right. Iba ‘yung feeling ‘pag on stage and it’s live.”
Lumabas na rin si Mondejar sa mga musical play tulad ng Lorenzo na ipinrodyus noon ni Christopher de Leon at hindi na rin niya mabilang ang dami ng nasamahan niyang play.
Gagampanan ni Mondejar ang director sa Solo Para Adultos (For Adults Only).”Ako ang director nila. My dream was to use real life pokpok in the script for my film. Iyon ang exciting part. Gay ako rito. Kaya sobrang challenging for me. And I even asked direk, ‘why me?’ Sabi niya, ‘yes the role is gay, if I get a real gay sometimes nagiging OA, with no offense roon sa mga gay. Kasi gay na ‘yung role. Mas masayang panoorin ang totoong lalaki’.
“Tinanong ko nga kung kaya ko at sabi niya napanood na niya ako at confident siya na kaya ko.”
Nang tanungin namin si Mondejar sa kung anong parte siya nahirapan, sinabi niyang ‘yung inakap niya ang lalaki. ”That’s why it’s for adult. You should watch it,” natatawang sagot nito nang sinabi namin kung nakahubad ba siya rito.
Kung may kissing scene siya sa kapwa lalaki sinabi niyang hindi pa siya handa sa ganoong role.
“Dahan-dahan muna. Gay role na nga eh,” giit pa nito at nang ipilit tanungin kung okey sa kanya na may kissing scene sa kapwa lalaki, sinabi nitong, ”pag-iisipan ko muna, I have a family to protect. For art’s sake puwede, why not! But I have to consider my family. If it’s worth na pagdaanan nila ito. “
At sa mga nagawang play ni Mondejar, aminado siyang ito ang pinaka-grabe.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio