AMINADO si Zsa Zsa Padilla na nahirapan siya sa role na ginagampanan niya sa pelikulang Bes and the Beshies ng Cineko Productions na ire-release ng Regal Entertainment at mapapanood na sa Oktubre 18.
Ginagampanan ni Zsa Zsa ang role ni Mabel, isang martir na asawa na kaibigan sina Carmi Martin, Beauty, at Ai Ai delas Alas.
“Ang layo ng role ko rito kasi Bisaya ako. Hindi specific kung saan talaga ako galing. In my fist few days nahirapan talaga ako kasi first time kong magpunto ng ganoon,” kuwento ni Zsa Zsa. “At saka sabi ko ang tagal na niya sa Maynila, talagang balukot na baluktot pa siya (Mabel).
Sina ZsaZsa, Beauty, Carmi, at Ai Ai ang apat na magkakaibigan na batbat ng problema sa buhay pero nananatiling metatag ang paninindigan sa buhay. Sa pelikulang ito, tumodo ng kakikayan si Zsa Zsa na talagang ikaaaliw ng viewers.
“Si Mabel ‘yung dedicated housewife na nagluluto na nalosyang na tapos very religious pa. May isang character na palamura siya, si Beauty ýun so, ako ‘yung talagang nai-scandalize.”
Sa totoong buhay, aminado rin si Zsa Zsa na hindi siya ‘yung martir type. “Of course not, ha ha ha,” pag-amin nito. “In the 80’s I really struggled. When I was a young wife, 16, and then when I started to work, it was a struggle period pa talaga. ‘Yung babae hindi pa talaga sanay ang society na nasa work force. May struggle pa parang nagi-guilty ka pang mag-work.
“Feeling ko naman ngayon, kailangan nang magtulungan. In the 90’s medyo natatanggap na. Eh ngayon wala na, kailangan talagang magtulungan ang mag-asawa.”
At tulad ng alam ng marami na nagkabalikan na silang muli ni Architect Conrad Onglao, natanong ang aktres ukol sa kung kailan matutuloy ang kanilang kasal.
“Wala pa talagang plano, promise, we haven’t plan anything,” anito. “Magtatanan na lang kami,” giit pa niya na unang nabalita noon na sa Italy sila magpapakasal ni Onglao.
“Si Conrad ang may gusto niyon (kasal sa Italy). Pero talagang hindi ko naman in-approve ‘yun. Ayaw ko talaga ng bongga or whatever. Ang gusto ko talaga judge lang,” giit pa ng aktres na magandang-maganda ang aura ngayon.
Sinabi pa ni Zsa Zsa na dahil sa pahaba ng pahaba ang listahan ng kung sino-sino ang iimbitahin, mula sa mga kamag-anak nila hanggang sa mga kaibigan, aniya, “I just feel… personally ha, sabi ko, ‘Conrad, parang hindi na bagay sa atin ýun (bonggang kasalan). Solemn na lang. Ang importante mangyari na.”
First time
nakipagbalikan
Ito rin ang kauna-unahang pagkakaaon na nakipagbalikan sa dating karelasyon si Zsa Zsa. Kaya natanong ito kung paano niya na-realize na sila na ang sa isa’t isa ni Conrad?
“I think we just gave it another shot. I’m the one who is hesitant ‘coz I never done it (makipagbalikan), ever in my whole life. Never.
“I never broke up with somebody and then gone back to the person. So it was first for me. It was difficult for me, kasi kinailangan kong mag-healing session (for 8 months).
“There has a lot in the past that I have to forgive, to come to things na acceptance, na ito talaga ang gusto ko sa buhay. Stick to my decision. It took a while, it took a year, I guess may mga trait ang mga babae na feeling ko hindi lang naman ako, hirap sa babae na to forgive and forget eh.
“Bumabalik ako talaga. I remember everything and I just go by the time. Binabalikan ang past ang hirap para sa amin. So kailangan talaga kapag sinabi mong pinatawad mo, patawarin na talaga.
“There are methods that I used. Na realize ko kapag ako ang gumawa ng rule, hindi ko ibi-break. Dapat wala na akong reference sa past, ang tagal kong pinractice ‘yun hanggang nasanay na ako, tapos na ‘yun, past na ‘yan, move on, move on, for myself, I made some rules.”
Three carat emerald
cut engagement ring
Suot ni Zsa Zsa ang engagement ring na isinauli niya noon at ipinakita sa amin. Isa iyong three carat emerald cut rock at sinabing, “I’m wearing our engagement ring. For the six months that were apart, hindi ko ito isinuot.”
Sa kuwento ni Zsa Zsa kung paano sila nagkabalikan ni Conrad. Aniya, nasa mall siya nang magkasalubong sila ni Conrad. “Lumalayo ako, nakita niya ako, tapos hinaharang-harang niya ako. So we sat down and we didn’t realize that were talking for two hours. And then we decided to ýun na.”
Ani Zsa Zsa, hindi naman siya agad nakumbinseng makipagbalikan. “Of course. At saka noong nagkabalikan kami, I felt a lot of shame. Kasi first time ko nga eh, parang lahat ng the people closes to me, lahat ng sinabi ko kinain ko, parang ganoon. Kasi I was so sure na hindi na ako makikipagbalikan.
“I’ve felt that was not fixable that time, roon ako napahiya sa sarili ko. Sabi ko, pwede pa lang mangyari ‘yun kasi nga hindi pa nangyayari sa akin ‘yun,” sambit pa ng aktres na marami niyang beses inisip bago siya nakipagbalikan.
“Yes, but I’ve struggled, I still struggled that’s why I have to go through a healing therapy,” sambit pa niya na itinuturing niyang isang lesson ang nangyari sa kanila.
At nang tanungin muli ang aktres kung kailan talaga ang kasal nila ni Conrad, muli nitong isinagot na, “Wala pa talaga.”
“I cannot discuss, may inaayos pa,” tugon niya nang tanungin kung ano ang nakakapigil na magpakasal na sila agad-agad.
Love is lovelier
the second time
At dahil may kasabihang love is lovelier the second time around, nakare-relate kaya rito si Zsa Zsa?
“I think, isipin ko talaga ang sagot. Palagay ko gumanda in such a away. Number one, naintindihan ko na ang ibang tao ito, siyempre nasanay ako sa isang relasyon na ako pala ang laging napagbibigyan lagi. Kasi nga Dolphy is much older.
“Sa edad niya, ayaw na niya ng argument kaya lagi na lang ‘yung nagli lead, ako yung nasusunod.
“I have to understand with the healing therapy that I underwent na ibang tao si Conrad.
‘Di totoong
sinasaktan
Pinasinungalingan naman niya ang haka-hakang lumabas noon na kaya siya nakipaghiwalay kay Conrad ay dahil sinasaktan siya nito. Aniya, “It’s not true. And I would tell that to you with a straight face.
“Ang hirap naman niyon. Hindi mo naman babalikan ang isang taong ganoon ‘di ba, ibang klase ‘yun.”
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio