Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sen. Hontiveros inasunto ng wire tapping ni Aguirre

NAGHAIN ng kasong paglabag sa Anti-Wire Tapping Law sa Pasay City Prosecutor’s Office si Justice Secretary  Vitaliano Aguirre II laban kay Senadora Risa Hontiveros sa Pasay City, kahapon ng umaga.

Dumating si Aguirre sa Hall of Justice ng Pasay dakong 8:00 am upang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act (RA) 4200 o Anti-Wire Tapping Law si Hontiveros.

Nanumpa si Aguirre sa harap ni Assistant Prosecutor Johari Tolentino base sa kanyang inihaing complaint affidavit laban kay Hontiveros.

Nag-ugat ang paghahain ng kaso ni Aguirre makaraan ilabas ni Senador Hontiveros ang retrato ng kalihim na may ka-text habang dumadalo sa Senate hearing.

Makikita sa larawan na ka-text ni Sec. Aguirre si dating Congressman Jing Paras at ipinamamadali ng kalihim ang mga kaso laban kay Hontiveros.

Tatlong bilang ng paglabag sa Anti-Wire Tapping Law ang isinampa ng kalihim laban sa senadora.

Una rito ang pagkuha ng kanyang retrato, ikalawa ang pagpapasuri ni Hontiveros sa ilang eskperto na authentic ang retrato at cellphone ni Aguirre.

Ang ikatlo ay dahil sa pagpresenta ng senadora ng retrato sa kanyang privilege speech na napanood sa buong mundo.

Sa paglabas ni Aguirre sa tanggapan ni Assistant Prosecutor Tolentino, hinamon niya si Hontiveros na ilabas ang photographer na kumuha ng kanyang retrato.

Sinabi ng kalihim, nakatakda rin siyang maghain ng reklamo laban sa senadora sa ethics committee ng Senado.

Aniya, magsasampa rin siya ng hiwalay na civil case sa Pasay City Regional Trial Court (RTC) laban sa senadora.

(JAJA GARCIA)



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …