Monday , December 23 2024

Opensiba vs NPA isusunod ng AFP (Matapos sa Marawi)



BUBUHUSAN ng opensiba ng militar ang New People’s Army (NPA) matapos ang krisis sa Marawi City.

Sa kanyang talumpati sa ika-anim na pagbisita sa Marawi City kahapon, tiniyak ng Pangulo na ang NPA naman ang pagbabalingan ng operasyong militar dahil sa pinaigting ng rebeldeng grupo ang opensiba laban sa tropa ng pamahalaan at  pag-atake sa mga negosyo.

“Kung medyo tatagal ako ng konti, ‘pag di ako binaril sa likod. Tatapusin natin talaga ito,” anang Pangulo na ang tinutukoy ang NPA.

Paliwanag ng Pangulo, panay pangingikil ang inaatupag ng NPA at kapag hindi sila binigyan ng negosyante o kompanya ay sinusunog nila ang mga kagamitan ng mga ito sa negosyo.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang mga pag-atake ng NPA sa nakalipas na mga araw ay nagpalakas sa pagdududa sa kaha-hantungan ng peace talks.

“The NPA attacks in Sarangani, South Cotabato, Surigao del Sur, Palawan and Masbate fuels the public’s doubt about the talks with the group. The government will undertake appropriate steps to deal decisively with these forces that seem to have lost their sense of nation-building,” ani Abella sa press briefing kahapon.

Matatandaan, ipinatigil ni Duterte ang peace talks noong Hulyo nang utusan ng Communist Party of the Philippines (CPP) na labanan ang idineklarang martial law sa Mindanao bunsod ng Marawi crisis.

ni ROSE NOVENARIO



About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *