MAY tactical alliance ang Liberal Party, at sina Ombudsman Conchita Carpio-Morales at Chief Justice Ma. Lourdes Sereno para pabagsakin ang administrasyong Duterte, ayon sa Palasyo.
“Maybe, in effect, that seems to be the implication,” tugon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella hinggil sa sinasabing sabwatang LP-Morales-Sereno na may layuning patalsikin sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Abella, naniniwala ang Pangulo na nagpapagamit sina Sereno at Morales sa oposisyon upang siraan siya at ang kanyang administrasyon upang manghikayat ng galit ng taong bayan sa layuning pabagsakin ang gobyernong Duterte.
“The President believes the Supreme Court Justice and the Ombudsman have allowed themselves to be used by certain political forces to discredit him and his administration in order to spark public outrage and eventually oust him from the Presidency,” ani Abella.
Ito aniya ang dahilan kaya hinamon ni Pangulong Duterte sina Sereno at Morales na sabay-sabay silang magbitiw sa puwesto.
(ROSE NOVENARIO)