Saturday , November 16 2024

Bus nahulog mula flyover, 26 sugatan (Sa Alabang, Muntinlupa)

SUGATAN ang 26 pasahero nang mawalan ng preno ang sinasakyan nilang pampasaherong bus at nahulog sa Alabang flyover sa Muntinlupa City, nitong Linggo ng gabi.

Isinugod sa magkakahiwalay na pagamutan ang mga biktimang sina Allan Ansay, 38; Elma Guintaran, 40; Lyka Rivad,14; Estrilita Rivad, 60; Juanito Rivad, 59; Mildred Raquino, 47; Cesar Ramos, 49; Francis Sisro, 29; Matthew Katigbak,12; Lizer Maravilla, 25; Joana Maranan, 30; Krizelyn De Torres, 22; Ryansar Rosales; Trinity Rosales; Tracey Rosales; Jose Edward Elipio; Adriano Leonora; Syvester Yulo; Mafferson Baet; Rogelio Gain; Rejunboy Ciralbo; Jesel Lirrutia; Anabel Rusia; Marrieta Soriano; Rosita Crespo at Angelo Bane, pawang may mga galos at pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Habang kinilala ang driver ng CHER Transport bus (TYB-504), may Body No. 377, na si Corpuz Jerodeo y Sublang, 36, residente sa 261 Camia Street, Meycaua-yan, Bulacan, nasa kustodiya ng Highway Patrol Group, habang iinimbestigahan .

Base sa ulat ng Southern Police District (SPD), dakong 6:40 pm nang mangyari ang insidente sa South Luzon Expressway (SLEx), Alabang Flyover, sa Muntinlupa City.

Ayon sa imbestigasyon ni PO1 Al Anthony Lacandazo ng HPG, habang binabagtas ng bus na minamaneho ni Jerodeo ang SLEx mula timog patungong hilagang direksiyon, pagsapit sa Alabang flyover ay nawalan ng preno kaya tinangkang pahintuin ng driver ang sasakyan.

Ibinangga ng driver ang bus sa isang side gutter ng kalsada ngunit lalong hindi nakontrol ang manibela dahilan upang bumulusok at mahulog ang sasakyan mula sa anim na talampakang taas ng flyover na ikinasugat ng mga pasahero.

Agad nagresponde ang Muntinlupa rescue team at isinakay ang mga biktima sa ambulansiya saka dinala sa Asian Hospital at Ospital ng Muntinlupa.

Kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries with damage to property ang kahaharapin ng dri-ver ng bus.

(JAJA GARCIA)



About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *