Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sino-sino ang may magagandang kasuotan sa Star Magic Ball 2017?

ANG mga baguhang sina Kisses Delavin at Marco Gallo ang nakapag-uwi ng Best Dressed Award kasama si Miss Universe 2015 winner Pia Wurtzbach sa katatapos na Star Magic Ball 2017 na ginanap sa Makati Shangri-La, Manila noong Sabado.

Gawa ni Francis Libiran ang suot ni white, high-neck gown na may ruffled hem ni Delavin, samantalang ang tuxedo ni Gallo ay gawa ni Nat Manilag. Si Wurtzbach naman ay naka-off shoulder dress na may thigh-high slit.

Bagamat sila ang itinanghal na Best Dressed, mayroon kaming sariling napili. Hindi nga lamang isa o dalawa kundi marami para sa amin ang may magagandang kasuotan. Ang mga ito ay sina Jodi Sta. Maria na nakasuot ng Mark Bumgarnerlow back two piece ensemble na tinernohan ng gorgeous hair styling ni Jay Wee;Alice Dixson, black gown by MICO ni Mia Urquico and hairstyle by Headzone;Denise Laurel na gawa ni Michael Cinco ang gown at ang kanyang anak na siAlejandro ang escort; Bea Alonzo na suot ang sexy white gown kasama si Gerald Anderson; Kathryn Bernardo na naka-spaghetti inspired gown with Daniel Padilla; Coleen Garcia (gown by Popo Go Manila) at Billy Crawford; Kim Chiu (gown by Michael Leyva); Liza Soberano at Enrique Gil; Miles Ocampo;Nash Aguas; Piolo Pascual; Maxene Magalona at Rob Mannaquil; Julia Barretto at Joshua Garcia; at Erich Gonzales.

Maging ang puting gown na gawa ni Kerby Cardenas para kay Kiray Celis ay outstanding din na ang make-up at buhok ay gawa ni ni Fanny Serrano.

Nagwagi naman ng Belle of the Ball Award si Julia at ang Brightest Star of the Night award naman ay nakuha ni Kathryn. Sina Jessy Mendiola at Luis Manzano; Soberano at Gil ang itinanghal na Couple of the Night.
Narito ang kanilang mga larawan na kinuha namin mula sa Star Magic IG, personal IG nila, at ilang kaibigan. Salamat sa mga kuha.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …