“BUMAWI naman sila, and they have helped us a lot.”
Ito ang pahayag kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-116 anibersaryo ng Balangiga Massacre sa Balangiga, Eastern Samar hinggil sa papel ng Amerika sa Filipinas sa nakalipas na mahigit isang siglo.
Ang pahayag ng Pangulo ay taliwas sa madalas niyang pagbatikos sa imperyalismong US na aniya’y nagsamantala sa yaman ng bansa at kumitil sa libo-libong Filipino noong Fil-Am war.
“I was under advice by the Department of Foreign Affairs that I would just temper my language and avoid magmura kasi which I’m prone to do if I get emotional,” ani Duterte.
Sinabi ng Pangulo, sa ayaw at sa gusto natin ay nakatulong sa bansa ang US noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
“Whether we like it or not, we were engaged here, challenged by the Japanese occupation and it was America who partly helped us, as an ally. I would not say there were our saviors, but they are our allies and they helped us,” aniya.
Hanggang ngayon aniya’y tumutulong ang Amerika sa laban ng kanyang administrasyon kontra-terorismo sa Marawi City.
“Even today, they provide crucial equipment to our soldiers in Marawi to fight the terrorist,” dagdag ng Pangulo.
Kamakalawa’y hinimok ni Duterte ang US na umayuda sa kanyang gobyerno sa pagkontrol sa pagpuslit ng ilegal na droga sa bansa mula sa Taiwan at Hong Kong na ginagamit umanong transshipment point ang Filipinas.
(ROSE NOVENARIO)