Saturday , November 16 2024

Ombudsman ‘may utang na loob’ sa dilawan (Impeachment vs Duterte pinaplantsa)



MAY bahid ng pamomolitika ang pag-iimbestiga ng Ombudsman hinggil sa umano’y ill-gotten wealth ng pamilya ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte lalo’t marami ang nakaaalam na ‘may utang na loob’ ang kanilang hepe na si Conchita Carpio-Morales sa Liberal Party.

Kinuwestiyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang motibo ng Ombudsman sa pag-iimbestiga sa reklamong inihain laban sa kanya ni Senator Antonio Trillanes IV hinggil sa umano’y ill-gotten wealth ng kanyang pamilya pero hindi iniimbestigahan ang mga kapanalig ng ‘dilawan’ na inireklamo sa kanilang tanggapan.

Marami aniyang anomalya sa Ombudsman at batid ito ng mga pulis, militar, mga lokal na opisyal at iba pang kawani ng pamahalaan na biktima ng bulok na sistema roon.

Plano ng Pangulo na magbuo ng komisyon na magsisiyasat sa mga alingasngas sa Ombudsman.

Habang naniniwala si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, ang pag-iimbestiga ng Ombudsman sa bank records ng Pangulo ay gustong gamitin para sa pagpapatalsik kay Duterte.

“[The investigation can be used for the President’s impeachment] if they find probable cause,” ani Panelo.

Inihayag ni Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang, base sa Anti-Money Laundering Council’s (AMLC), ang bank records ng pamilya Duterte ay umabot sa isang bilyong piso ang naging transaksyon.

“[But] we’ll have to study if this can be used against the President considering that this happened when he was still mayor,” dagdag niya.

Nagbabala si Panelo na posibleng sampahan ng kasong administratibo si Carandang dahil sa Republic Act 9713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Malisyoso aniya ang paghahayag sa publiko ni Carandang ng detalye sa isang usapin na iniimbestigahan ng Ombudsman na hindi naman nila ginagawa sa ibang kaso.

Samantala, itinanggi ng Anti-Money Laundering Council (ALMC) na sa kanilang tanggapan nagmula ang mga dokumentong inihain ni Sen. Antonio Trillanes IV at ng Ombudsman hinggil sa bank records ng pamilya Duterte.

Sa kalatas ay sinabi ng AMLC, hanggang ngayon ay hindi pa umuusad ang hirit ni Overall Deputy Ombudsman Melchor Carandang sa AMLC noong 7 Agosto 2017 na imbestigahan nila ang bank accounts ng pamilya Duterte.

ni ROSE NOVENARIO



About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *