Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Devon, nagpaka-trying hard makatrabaho lang ang 2 Koreano

“ACTUALLY, mababait sila, they are very caring and gentlemen talaga. Masaya rin silang makasama. Sabay-sabay kaming kumakain, nakikipag-chicahan din sila,” deklara ni Devon Seron sa dalawang Korean stars na leading men niya na sina Hyun Woo at Jin Ju-Hyung para sa pelikulang You With Me.

Pero ayaw niyang mag-assume sa pagiging maasikaso ng dalawa na may gusto ang mga ito sa kanya. May chism kasi na parehong nagkakagusto sa kanya ang dalawang Koreano. Getting to know each other ang status nilang tatlo.

Paano niya isasalarawan ang dalawang leading men?

Nakakapag-English si Ju-Hyung at seryosong tao. Nakakausap niya ito ng seryosohan. Nakakapag-discuss sila ng mga personal na bagay. Si Hyun Woo naman ay masayahing tao at maalaga rin.

Samantala, aminado si Devon na nag-gatecrash siya sa audition ng pelikula. Hindi siya part ng list ng mga auditionist. Nalaman lang niya ito sa friend niya na make up artist ng production. Nagpasa  siya ng requirements, larawan, at  hindi niya alam na makakasama sa movie ang mga Korean star. Ang  akala niya  ay indie movie ang gagawin at  mga Filipinong artista lang ang cast pero kukunan sa Korea.

“Noong nag-audition po ako, sinabi po sa akin na sa Korea po gagawin tapos ‘yung mga kasama ko ko Korean. So, ako naman na-challenge ako, parang, wow! Paano kaya ‘to? Paano ko kaya gagawin ‘to? Nalito rin po ako and nahirapan din ako na i-imagine ‘yung sarili ko in that position,” bulalas ni Devon.

TALBOG
ni Roldan Castro



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …