Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead prison

2 preso patay sa heat stroke (Sa Pasay City)

MAGKASUNOD na binawian ng buhay ang dalawang preso ng Pasay City Police detention cell dahil sa matinding init at sobrang siksikan sa loob ng piitan sa nasabing lungsod.

Kinilala ang mga biktimang sina Reynaldo Tenancio, 54, may kasong alarm and scandal, at Oscar Nuñez, na nahaharap sa kasong droga.

Sa ulat ng Station Investigation Detective Management Branch (SIDMB) ng Pasay City Police, bandang 12:00 pm kamakalawa nang himatayin si Te-nancio sa loob ng detention cell.

Agad isinugod ng rescue team si Tenancio sa Pasay City General Hospital ngunit hindi umabot nang buhay.

Makalipas ang ilang minuto, sunod na hinimatay at nangisay sa loob ng selda si Nuñez. Isinugod din siya sa nabanggit na pagamutan ngunit binawian siya ng buhay.

Ayon sa pulisya, matindi ang nararanasang init sa loob ng kulungan dahil siksikan ang mga preso.

(JAJA GARCIA)



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …