Friday , December 27 2024

McLisse, isinapuso ang mga payo ni Coco; pagiging maka-masa, hinangaan din

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn) on



VERY thankful at masayang-masaya kapwa sina McCoy De Leon at Elisse Joson o McLisse dahil sa sunod-sunod at magagandang proyektong ipinagkakatiwala sa kanila.

Ani Elisse, ”Pinag-uusapan nga po namin ni McCoy na kahit magkaroon ng problema sa personal na buhay namin, ang iisipin lang talaga namin eh, kung gaano kami ka-blessed sa mga natatanggap namin na projects, works na makatutulong sa pamilya namin, sa bawat pamilya namin.”

Bukod kasi sa Ang Panday na entry ng CCM Creative Productions Inc., sa Metro Manila Film Festival, bida rin sila sa ipinalalabas na ngayong The Good Son ng Dreamscape Entertainment Inc, ng ABS-CBN.

A post shared by Alexa Ilacad (@alexailacad) on



Sa The Good Son naman ay may sarili silang kuwento bukod sa iba pang mga bida rito na sina Joshua Garcia, Nash Aguas, Mckoy de Leon, at Jerome Poncekasama rin sina Eula Valdez, Liza Lorena, Mylene Dizon, Louise de los Reyes, Alexa Ilacad, Loisa Andalio, Jeric Raval, Kathleen Hermosa, Ronnie Lazaro, John Estrada, at special participation ni Albert Martinez.

“Siyempre nagpapasalamat kami sa tiwala na ibinigay sa amin, hindi namin sasayangin, gagawin namin ang best namin ultimo mapasaya lang ang tao, ang sarap sa pakiramdam,” ani McCoy.

“Thanful ako na mapabilang sa isang napakalaking show kasama ang mga artistang maraming pinagdaanan sa industriya,” giit naman ni Elisse.

Kung nakaka-pressure sa kanila ang masama sa ganito kalaking produksiyon sinabi ng dalawa na, ”Hindi namin iniisip na pressure gusto lang namin na marami pang matutuhan sa kanila kung sino pa ang makakasama namin, that’s what we’re looking forward.”

Sa Ang Panday naman, sinabi ng dalawa na marami-rami pa rin silang eksenang dapag kunan. Ginagampanan ni Elisse ang isa sa kapatid ni Coco Martin. Si McCoy, naman ay ipakikita ang pagka-tondo niya rito. ”Ang ginawa kasi ni Kuya Coco sobrang modern ng ‘Ang Panday’, kaya hindi ko pa masabi na nabuo na namin. Ibang Panday siya pero alam kong konektado lahat ng mga dating Panday, kaya mas maraming bago at the same time kasama pa rin kung ano ‘yung alam ng tao before (sa Ang Panday).”

Aminado ang McLisse na bago sa kanila ang genre ng Ang Panday, action-fantasy.”Bago po sa amin ang action-fantasy kasi naman kung ano ‘yung maibigay sa amin, gagawin namin sa pinaka-kaya namin. ‘Yung action naman kaya ko naman kasi gusto ko rin ‘yun, nasabi ko nga po rati na iyon ang role na komportable ako kaya excited ako nang matanggap ang role na iyon,” ani McCoy.

Sinasabing tila sinusundan ni McCoy ang footsteps ni Coco. ”Marami pang dapat kaining bigas at marami pang dapat matutuhan o patunayan kaya nagpupursige muna para matutuo pa kaya sobrang layo pa and sobrang nakaka-overwhelm na maikompara sa kanya,” sambit pa ng binata.

Puring-puri rin kapwa ng McLisse si Coco kung paano ito nagdidirehe. Marami nga silang natutuhan sa actor/director. ”Lagi niyang sinasabi sa amin na stay lang kung saan kami. ‘Yung mga nakaka-destruct ‘wag pansinin. Tulad niya na nagpursige at nag-focus lang sa sarili niya hanggang sa naabot ang kasalukuyang kinalalagan. At saka alam naman natin na si Kuya Coco sobrang maka-masa at ‘yun ang nakikita ko na masarap talagang maki-masa. Mag-reach out sa mga tao na simpleng tao na alam mong madali kang lapitan din,” ani McCoy.

Bukod sa marami silang natututuhan kay Coco, nakaka-inspired din ito sa kanila.”Kasi hindi lang bilang director, nakita ko rin siya bilang actor, bilang malikhain ang utak, sobrang talino, sobrang sipag. Masasabi ko na walang flaws sa kanya kasi makikita mo ‘yung gusto niya magagawa niya. Kahit pagod na sige pa rin,”sambit naman ni Elisse.

Pinatunayan din ng dalawa na mahigpit na director si Coco. ”Kapag nagdidirehe siya hindi mo makikita ‘yung pagiging actor niya, andyan siya para kumbaga, nagco-coach siya sa bawat actor na hinahawakan niya. So iba, nakaka-amaze na makita na bilang director dahil sobrang hands on niya pagdating sa set,” giit pa ng dalaga.

Ginagampanan ni McCoy sa The Good Son ang panganay na anak ni Mylene. ”Sa akin, lahat may hinahanap sa pamilya, conflict na hindi pa nakikita sa first week na pagpapalabas. Ako ‘yung contrast kay Joshua, ‘yun ang iniiwasan ko na magkaiba kami, iniiwasang magkapareho, sobrang contrast, doon na ako nagkakaroon kung bakit ganoon si Obet  na sobrang masiyahin kaya abangan n’yo rin.”

Kilalang soft spoken si McCoy, tahimik kaya naman naitanong sa kanya kung paano niya nagawa ang karakter niyang masayahin, makulit sa The Good Son.”Sobrang inaral ko kung paano maiiba ‘yun. Kumilala ko ng ibang tao. Sinamahan ko mga kaklase ko na makukulit. Nagtanong din ako kay tito Ronnie (Lazaro), at sabi niya ‘wag kong isipin ang ibang tao, isipin ko ang sarili ko kung paano ipi-please. Ngayon nabubuo ko na. Hindi madali talaga, kaya nang makita ko resulta and comments ng mga tao ang sarap sa pakiramdam.”

Hindi naman kasing kuwela ni McCoy ang karakter ni Elisse sa The Good Son.”Hindi kasing kuwela ni Obet, magkalayo ‘yung personalities nila pero I guess doon natin malalaman kung paano magja-jive ang dalawa.”

Pagpapalabas
ng New Generation Heroes,
isasabay sa pagdiriwang
ng World Teachers’ Day

“INTENDED for commercial release po talaga ang pelikulang ‘New Generation Heroes’.” Ito ang sagot sa amin ni Direk Anthony Hernandez nang tanungin namin kung bakit hindi isinali ang pelikula sa Metro Manila Film Festival.

Pero gusto talaga nilang isali ito sa MMFF kaya lamang February na nila naumpisahan ang paggawa ng advocacy film na ito ukol sa mga guro at katatapos lang nito kamakailan. ”Nag shoot pa kami sa Korea. Hindi rin tuloy-tuloy ang shooting namin kaya medyo natagalan. Nag-schedule kami sa availability ng mga artista,” paliwanag pa ni Direk Hernandez.

Pang-10 pelikula na ni Direk Hernandez ang New Generation Heroes at iginiit niyang pawang kumikita naman ang mga pelikulang ginagawa niya dahil talagang pinagkakasya niya ang budget na hinihingi nila sa producer.

“Eight to 10 days shooting days ang ginagawa namin. Kapag nag- commit ako sa producer na ito ang budget, I try to squeeze the budget for that,” sambit pa ng director kaya siguro marami talaga ang nagtitiwala sa kanya. Katunayan, may bago na naman siyang pelikulang uumpisahan sa Oct. 8 na pagbibidahan naman ng tinaguriang Badjao Girl, si Rita Gaviola.

Pero mas gusto munang tutukan ni Direk Hernandez ang advocacy film nilang ito nagbibigay kahalagahan sa mga guro.

Aniya, na-review na ng MTRCB ang New Generation Heroes at nabigyan ito ng Rated PG kaya masaya silang marami ang makakapanood nito sa Oktubre 4.

Aniya pa, nakipag-usap na sila sa SM management at nakapaglatag na ang mga ito kung saan-saang sangay ng SM ipalalabas ang kanilang pelikula. ”And hopefully this week madaragdagan pa ang mga cinema na ibibigay nila sa amin. Ang target namin is 50-100 cinemas,” masayang pakikipaghuntahan pa nito sa amin.

Ang kanilang ring kompanya, ang Golden Tiger Films ang magri-release ng kanilang pelikula at hindi nila ipina-release sa tiinatawag na Big 3. ”Kami rin ang gumagawa ng marketing strategy. Sa SM cinemas, tamang-tama dahil kasabay iyon sa presentation ng ‘World Teachers’ Day nila. Bale gagamitin din nila itong pelikula namin in time for that occasion,” pagbabalita pa ni Direk Hernandez.

Umaasa rin silang makakukuha ng slot sa Robinsons cinema at Ayala.

Natanong din namin si Direk kung sino ang dream niyang makatrabaho o maidirehe at walang kagatol-gatol niyang sinabing sina Nora Aunor at Vilma Santos. ”That’s why nagbabraso ako na makapag-aral sa New York Film Academy. Naka-register na ako online at pupunta ako sa December to sign all the forms and mag-schedule na for schooling,” pagbabalita pa ng director. “Actually it’s one year pero it’s up to me kung ite-take ko siya every three months na uuwi ako sa ‘Pinas o mag- stay ako roon for the whole year.”

Ang New Generation Heroes ay ukol sa apat na teachers na humarap sa iba’t ibang pagsubok at pakikibaka sa buhay. Bukod kay Aiko Melendez, bida rin dito sinaAnita Linda, Joyce Penas, at Jao Mapa handog ng Golden Tiger Films at mapapanood na sa October 4.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *