Saturday , November 16 2024
dead gun police

Chinese national itinumba (Galing sa hearing sa drug case)

PINAGBABARIL ang isang  Chinese national na may kasong droga ng apat na hindi kilalang lalaki habang kagagaling sa kanyang hearing sa korte sa Las Piñas City kahapon ng hapon.

Ilang tama ng bala sa ulo ang ikinamatay ng biktimang si Lee Yu Xin,  alyas Alex /Francis Lee, at Wahya,  43, nanunuluyan sa BF Resort Village, Brgy. Talon Dos, Las Piñas City.

Nagsasagawa ng follow-up operation ang pulisya kaugnay sa insidente para kilalanin ang mga suspek.

Sa inisyal na ulat na natanggap ni Las Piñas City police chief, Sr. Supt. Marion Balolong, dakong 3:20 pm kahapon nang mangyari ang insidente malapit sa isang restobar sa kahabaan ng Alabang-Zapote Road, Brgy.  Pamplona 3 ng lungsod.

Kagagaling ng biktima mula sa hearing nito sa kasong kinakaharap na  paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165 sa Las Piñas City Regional Trial Court (RTC).

Naglalakad ang biktima sa naturang lugar nang sumulpot sa kanyang harapan ang apat na lalaki na agad siyang pinagbabaril, na agad niyang ikinamatay.

Tumakas ang mga suspek sa hindi nabanggit na direksiyon.

Inaalam ng pulisya, kung ang pamamaslang sa biktima ay may kinalaman sa droga.

(JAJA GARCIA)



About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *