Saturday , November 16 2024
gun shot

2 sekyu sugatan sa boga (Resbak ng selosong ex-lover)

HINIHINALANG selos ang ugat nang pagbaril ng isang lalaki sa dating kinakasamang lady guard at isa pang kapwa guwardiya sa Taguig City, kamakalawa.

Inoobserbahan sa Rizal Medical Center ang mga biktimang sina Mary Grace Labawan, 32, lady guard sa Samsung Warehouse, residente sa 59 ML Quezon St., Purok 1, Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City, habang may tama ng bala sa kaliwang paa si Al Monicit Mayor, 27, guwardya ng Magsaysay Rustan Warehouse, residente sa Block 2, Lot 5, SS Bridge, Brgy. Western Bicutan, Taguig City.

Samantala, tinutugis ng pulisya ang suspek na dating kinakasama ni Labawan, na si Arthur Masibay, 39, karpintero, taga ML Quezon St., Purok 1, Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City.

Ayon sa imbestigasyon ng Taguig City Police, dakong 10:42 pm nang maganap ang pamamaril sa Santo Niño, Brgy. Western Bicutan ng lungsod.

Habang magkasamang naglalakad ang dalawang biktima nang sumulpot ang suspek sakay ng motorsiklo at pinagbabaril ang dalawa saka tumakas.

Hinala ang pulisya, posibleng nagselos ang suspek kaya’t pinagbabaril ang dalawang biktima.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *