Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
road traffic accident

2 masahista patay sa motorsiklo vs kotse

PATAY ang dalawang masahistang lulan ng motorsiklo makaraan salpukin ng rumaragasang kotse sa New Manila, Quezon City, kamalakawa ng gabi.

Sa ulat kay Chief Insp. Manolo Refugia, hepe ng Quezon City Police District Traffic Enforcement Unit Sector 4, kinilala ang mga biktimang sina Rolando Olarte, 34, residente sa 13-B Victory Avenue, Brgy. Tatalon, Quezon City, at Lovely Pesimo, 26, ng 174 Purok 4, Luzon Avenue, Brgy. Old Balara, ng nabanggit na lungsod.

Habang sumuko sa mga awtoridad ang suspek na si Kathleen Vanessa Asid, 36, nakatira sa Diamond Village, Nova-liches, Quezon City, isang transport network vehicle driver.

Sa imbestigasyon ni PO2 Nurdi Mursidi, dakong 10:30 pm nang maganap ang insidente sa kanto ng Doña Hemady at 6th streets, New Manila.

Ang mga biktima ay lulan ng motorsiklong minamaneho ni Olarte nang biglang salpukin ng Toyota Vios na minamaneho ni Asid sa nabanggit na lugar.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon sina Olarte at Pesimo at bu-magsak sa sementadong kalsada.

Agad binawian ng buhay si Olarte habang hindi umabot nang buhay sa East Avenue Medical Center si Pesimo dahil sa pagkabagok ng kanilang ulo.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide and damage to property ang suspek. (ALMAR DANGUILAN)



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …