Saturday , November 16 2024

Reklamo ni Faeldon vs Trillanes ibabasura (Sa Ethics Committee) — Drilon

TILA mauuwi sa basurahan ang reklamong inihain ni dating Bureau of Customs (BoC) Commissioner Nicanor Faeldon laban kay Senador Antonio Trillanes sa Senate Ethics Committee na pinamumunuan ni Senador Tito Sotto.

Ito ay makaraan magkasundo ang mga miyembro ng komite na huwag dinggin ang reklamo ni Faeldon dahil sa kabiguang humarap sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee ukol sa kontrobersiyal na P6.4 bilyong ha-laga ng ilegal na droga.

Ayon kina Sotto at Senador Franklin Drilon, paano nila diringgin ang reklamo kung mismong sa kanilang proseso sa Senado, ay ayaw dumalo at makipagtulungan ni Faeldon.

Si Faeldon ay kasalukuyang nakadetine sa Senado makaraan i-contempt ng komite dahil sa paninindigang hindi haharap sa imbestigasyon hanggang naroroon sina Trillanes at Senador Panfilo “Ping” Lacson na pawang mga miyembro ng komite.

Binigyang-linaw ni Drilon, hanggang hindi natututo si Faeldon na kilalanin ang Senado ay maninigas umano ang kanyang reklamong inihain.

Tinukoy ni Drilon, kung talagang patuloy na magmamatigas si Faeldon na hindi makipagtulungan sa Senado ay makukulong ang dating commissioner hanggang matapos ang 17th Congress.

“Para sa akin wala pong karapatan na magdemanda sa ethics committee si Mr. Faeldon hanggang hindi niya inirerespeto ang proseso ng Blue Ribbon Committee, dahil sa sinabi niya na hindi siya haharap sa Blue Ribbon hanggang nandiyan si Sen. Lacson at Sen. Trillanes. Talagang dapat siyang i-cite in contempt,” ani Drilon.

(NIÑO ACLAN)



About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *