INAMIN ng Palasyo na tinabla ang 154 sa 257 rekomendasyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na may layuning ayusin ang human rights situation ng Filipinas.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang pagtanggap ng administrasyong Duterte sa 103 sa 257 rekomendasyon ng UNHRC sa ginanap na Third Philippine Universal Periodic Review (UPR) sa Geneva ay base sa masusing pagrepaso at konsultasyon sa iba’t ibang stakeholders alinsunod sa kanilang independent foreign policy.
Ang mahalaga, ani Abella, ay tinanggap ng UNHRC ang Philippine report na kumikilala sa human rights record ng bansa at mga komitment sa ilalim ng liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Batay sa ulat, karamihan sa rekomendasyon ng UNHRC ay may kinalaman sa pag-iimbestiga sa umano’y extrajudicial killings (EJKs), pagpapatigil sa pagbabalik ng death penalty at pagpigil sa panukalang batas na pababain ang edad ng “criminal liability.”
(ROSE NOVENARIO)