Saturday , November 16 2024

Sea forces kinakamada ng US (Agenda: drug war, terorismo, CHR budget)

PINANINIWALAANG kinokonsolida ng Estados Unidos (EU) ang kanyang kaalyadong puwersa sa Southeast Asia partikular sa Filipinas at Burma (Myanmar) bilang paghahanda laban sa armas nukleyar ng North Korea at para tapatan ang pag-hahari ng Beijing sa South China Sea.

Ito ay matapos tiyakin ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim ang buong suporta ng Amerika sa isinusulong na drug war ng administrasyong Duterte at matinding kampanya kontra terorismo nang magpulong sila kamakalawa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Palasyo.

Ang Filipinas at Burma ay parehong Southeast Asian nation na may magandang relasyon sa China sa kabila ng sigalot sa teritoryo sa South China Sea.

Ang paghaharap ng dalawa’y naganap isang araw bago ang National Day of Protest at inaasahang mga rally laban sa extrajudicial killings (EJKs) kaugnay sa drug war at martial law sa Mindanao bunsod ng Marawi crisis.

Sa kalatas, sinabi ng Malacañang na tiniyak ng US Ambassador na nauunawaan niya ang mga hamon na kinakaharap ng administrasyong Duterte sa paglaban sa illegal drugs.

Binigyan-diin ng US Ambassador ang pangangailangan na umarangkada ang imbestigasyon sa “drug related deaths” upang maseguro ang patuloy na kompiyansa ng mga mamamayan sa pamahalaan.

Tiniyak ni Pangulong Duterte kay Kim, ang anti-drug operations ng pulisya ay laging alinsunod sa “rule of law” at hindi kinokonsinti ng kanyang administrasyon ang mga abusadong pulis, kaya mabilis na dinakip ang mga sangkot sa pagpatay kay Kian Lloyd delos Santos.

“President Duterte further stressed his commitment to end the “vicious and toxic” drug problem, which he said, could destroy a “fragile Philippine Republic,” pahayag sa Palace statement.

Napag-usapan din ang isyu kaugnay sa pagbibigay ng P1,000 budget sa Commission on Human Rights (CHR) ng Kongreso para sa 2018 pero dumistansiya si Duterte at klinaro na diskarte ito ng Kongreso at wala siyang kinalaman.

Muli niyang inihayag ang imbitasyon sa United Nations Commission on Human Rights (UNCHR) na maglagay ng satellite office sa bansa upang i-monitor ang human rights situation.

Isang oras matapos ang pulong nina Duterte at US Ambassador Kim, inianunsiyo ni House Speaker Pantaleon Alvarez na ibinabalik ng Kongreso sa mahigit P600-M ang budget ng CHR sa susunod na taon.

“Continue their ongoing support,” ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pangako ni Kim kay Duterte hinggil sa counter-terrorism efforts ng administrasyon.

Sina Lorenzana, Finance Secretary Carlos Dominguez III, at Public Works Secretary Mark Villar ay kasama sa meeting nina Duterte at Kim.

Nagpasalamat si Duterte sa “Washington’s all-out support “ sa kanyang anti-terror drive at tiniyak na gagamitin nang tama ang ipinagkaloob na P730-milyon ng United States Agency for International Development (USAID).

Samantala, tinawagan sa telepono ni US Secretary of State Rex Tillerson si Burmese State Counsellor Aung San Suu Kyi noong 19 Setyembre upang himukin ang Burmese government at ang militar na magbigay ng humanitarian aid at tugunan ang mga nakababahalang ulat ng malalang paglabag sa karapatang pantao sa naturang bansa.

Nangako ang Burmese government na tutuldukan ang karahasan at papayagang makabalik sa kanilang tahanan ang mga residente ng Rakhine State.

Napaulat na sangkot ang militar sa marahas na ethnic cleansing sa Rakhine state kaya’t lumikas ang may 400,000 ethnic Ronghiya Muslims.

(ROSE NOVENARIO)



About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *