Monday , December 23 2024

LDS narco-pols financier ng Maute Group (Nasagasaan sa drug war)

BINUHUSAN ng pondo ng narco-politicians sa Lanao del Sur ang Daesh ISIS inspired Maute terrorist group kaya tumagal ang bakbakan sa Marawi City.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella kahapon, ang narco-politicians sa Lanao del Sur drug matrix na ibinunyag ni Pangulong Duterte kamakailan, ay nasagasaan nang todo sa inilunsad na drug war ng administrasyon.

“Local politicians in Mindanao adversely affected by the government’s campaign against illegal drugs have financed the Daesh-inspired Maute Group, whose attempt to undermine our sovereignty resulted in the rebellion in Marawi,” aniya.

Ito aniya ang matibay na dahilan kaya marapat na durugin ang drug apparatus hindi lang upang bigyan proteksiyon ang pamilyang Filipino, at mga kabataan ng bansa, kundi upang maging ligtas ang mga pamayanan.

“It is therefore imperative that we destroy the drug apparatus not only to protect the Filipino family and the youth of the country but also to secure our communities,” dagdag ni Abella.

Ang paglabas aniya ng LDS drug matrix ay bilang patunay sa ugnayan ng illegal drugs, kriminalidad at terorismo.

“The release of the matrix, ‘Lanao del Sur (LDS) Drug Trade Linked Diagram,’ underscores the ties that bind between illegal drugs and criminal and terrorist activities,” giit ni Abella.

Kabilang sa matrix ang pamilya Parojinog sa Ozamiz City, at si dating Marawi City Mayor Fahad “Pre” Salic, isang  Filipino Chinese businessman na ang anak na babae’y kasal kay Johary Abinal (ex-husband ni Johaira “Marimar” Abinal), FM Muslimen Macabatok, Mayor Noron Dadayan (Buadiposo Buntong), Mayor Hadji Jamal Abdulsalam (Mulondo), Bonbola Radiamoda (Bayang, Lanao del Sur), Ansari Saripada Radiamoda (Lilod, Madava, Marawi City), Vice Mayor Noridin Adiong (Ditsaan, Ramain), Rangaig Mamarinta (Provincial Board Member, 1st District, Lanao del Sur) at Parahiman Batawi Ronda (Samer, Butig), Acong Domato at Haj Taha Abdullah (Barangay Baropit, Picong), at Gona Romoros Aba Saguiran (Barangay Bubong, Saguiran, Novaliches, Quezon City).

(ROSE NOVENARIO)



About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *