ALAY ni Direk Anthony Hernandez sa mga guro ang advocacy film na New Generation Heroes ng Golden Tiger Films ni Mr. Gino Hernandez. Ayon kay Direk, happy and proud siya sa pelikulang ito dahil nakagawa siya ng isang makabuluhang panoorin.
“Masarap sa pakiramdam po ang makagawa ng isang pelikula na magbibigay aral or magbubukas sa kaisipan ng mga manonood. Kaya ang New Generation Heroes ay alay namin po sa lahat mamamayang Filipino dahil lahat po tayo ay dumaan sa ating mga guro. Sana mapanood po nila dahil dito makikita nila ang kahalagahan ng edukasyon at ng mga guro sa buhay ng bawat isa sa atin.
“Ito po ay tribute rin namin sa mga guro, dahil alam naman natin kung gaano kahalaga ang papel na ginagampnana nila sa ating lipunan,” saad ni Direk Anthony.
Dagdag niya, “New Generation heroes is a touching film that narrates the story of four individuals that tackles the world of teaching in all its forms.
Ang New Generation Heroes ay isang advocacy film na tumatalakay sa values formation, rights to proper education, pagpapahalaga sa mga guro, at mga taong itinuon ang sarili sa pagtuturo. Ito’y base sa tunay na pangyayari at ang ilang eksena ay kinunan pa sa Korea.
Tampok sa pelikulang ito sina Aiko Melendez, Ms. Anita Linda, Jao Mapa, Joyce Penas, Dexter Doria, Debraliz Valazote, Alvin Nakkasi, Aleera Montalla, Rob Sy, at JM Del Rosario.
Showing na sa October 4 ang New Generation Heroes kasabay ng pagdiriwang ng World Teachers Day. Premiere night nito sa Sept. 29, 2017 sa SM Mega Mall 6:00 pm, Cinema 7.
ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio