MAHIGPIT na tinututulan at ipinanawagan ng isang civil society group sa Senado na huwag paboran ang panukala ni Senator Juan Edgardo “Sonny” Angara na mai-lift ang 12-percent value added tax exemption para sa mga low-cost and socialized housing unit.
Sa media briefing na isinagawa sa Quezon City, mahigpit na tinututulan ni United Filipino Consumers and Commuters President Rodolfo Javellana Jr., ang panukala ng naturang Senador, na kapag naipasa ito sa Senado ay magreresulta umano nang matin-ding epekto sa sector ng mahihirap na nangangarap magkabahay.
Nangangamba si Javellana, kung sakaling maipasa ang panukala, aani ng batikos si Angara mula sa taxpayers, at ito ay makaaapek-to nang malaki sa kanyang reeleksiyon.
“Senator, please do not deprive us of our dream to own a decent housing,” pahayag ni Javellana Jr.
“If I were him, he must not push for the insertion to scrap the housing tax relief,” diin ni Javellana Jr.
Alinsunod sa Republic Act 7279 o Urban Housing and Development Act of 1992, ang 12% VAT ay maipapataw lamang sa mga housing unit na nagkakaha-laga ng P3.2 milyon at pataas.
Ang naturang tax reform plan ay magsisilbing pabigat sa mga overseas Filipino worker (OFW) na ang kayang bilhin ay low-cost and socialized housing unit na nagkakahalaga ng P450,000.
“Nakalulungkot isipin, 60 percent ng aming mga miyembro ay kaya lamang bumili sa mass housing projects, at ang kanilang mga pamilya ang magpapasa ng pag-aalis ng tax imposition,” saad sa sulat ni Javellana.
Ipinunto ni Javellana Jr., dapat i-exempt sa 12% VAT ang low-cost and socialized housing upang bigyan ng pagkakataon ang mga ordinaryong Filipino na magkaroon ng isang disenteng paninirahan dahil ang bahay ay isa sa panguna-hing pangangailangan ng tao.
(RAMON ESTABAYA)