TIKOM ang bibig ng Palasyo sa mga ulat na hinakot o bayarang mga raliyista ang nagtungo sa pro-Duterte rally sa Plaza Miranda kamakalawa.
“I’m not familar with the process that happened,” tugon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa mga report na mula sa iba’t ibang komunidad sa Metro Manila hinakot ng ilang opis-yal ng administrasyong Duterte ang mga sumali sa pro-Duterte rally sa Plaza Miranda.
Sa ulat, binayaran umano ng P150 ang karamihan sa mga lumahok sa nasabing pagkilos at ang ilan ay galing umano sa nasunugang pamayanan sa San Miguel, Manila, ilang metro ang layo mula sa Palasyo.
Nakuhaan ng larawan ang mga pumipirma sa ‘attendance paper’ ang mga sumama sa rally sa Mendiola Bridge katapat ng anti-Duterte rally.
Kompara sa mga nakaraang pro-Duterte rally, napuna na malaki ang nabawas sa bilang ng mga dumalo at naging parang kampanya sa eleksiyon ang daloy ng programa, may mga kababaihang dancer na nakasuot ng ‘sexy attire’ ang umin-dayog sa entablado.
Madalas ipagmalaki ng mga opisyal ng Palasyo ang milyon-milyong followers sa social media ng DDS (Duterte Diehard Supporters) bloggers pero hindi nakita ang “warm bodies” na ito sa Plaza Miranda.
Nagpasalamat si Abella sa publiko na naging maayos at mapayapa ang mga rally sa kauna-unahang National Day of Protest kamakalawa.
“First and foremost, we’d like to thank the public for making the first National Day of Protest generally peaceful and orderly. There were no outward incidents. And also, most of it… most of the discourse was regarding people’s issues and most of it was not regarding personalities,” ani Abella.
Ang focus aniya ng mga pagkilos ay mahalaga dahil naiangat ang kali-dad ng diskurso-publiko sa bansa, naging issue-oriented kahit pa nagsunog ng effigy ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa anti-Duterte rally.
Ang mabuting pamamahala aniya ay “two-way process,” kung humihirit ng mabubuting pinuno ng bansa, kailangan din aniyang ipakita na mabuti rin tayong mga mamamayan.
“So the focus of yesterday’s rallies were a significant development, which sort of elevated the quality of public discourse in the country, you know. In other words, it was — aside from a small group that burnt effigies, it was basically issue-oriented. So good governance, as we all know it, is a two-way process. And as we demand good leaders, we must likewise show that we are good citizens as well.This message was clearly sent across and heard by everyone. I believe people cooperated along that line. And that’s our takeaway,” aniya.
ni ROSE NOVENARIO