Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shyr,‘di naghangad na magkaroon ng billboard

HAVEY si Shyr Valdez dahil aktibo pa rin at hindi nawawalan ng serye. Bukod dito, endorser din siya ng BeauteDerm na ang owner and CEO ay si Ms. Rhea Tan (Rei Ramos Anicoche Tan).

Puring-puri si Shyr ni Ms. Rhea dahil hindi ito naging maramot para ibigay niya siSylvia Sanchez na maging ambassador ng produkto.

Bakit hindi siya nag-demand ng billboard tutal siya naman ang nag-endorse kay Sylvia?

“No, kasi sa akin, hindi naman ako malaking artista para mag-aspire ako ng ganyan. I’m already contented for what I am. Hindi ko kailangang maghangad at kailangan ilagay mo ako sa billboard kasi artista ako. Hindi naman ako ganoon,”tugon niya.

“Oo, mayroon akong mga follower pero ang kailangan ni Rei ay mas malalaking pangalan. ‘Yun kasi ang hahatak talaga. Nandoon ako sa realidad na alam ko na mas maraming puwede pang makatulong sa kanya in a way na mas magiging beneficial for her company,” paliwanga pa ni Shyr.

Masaya siya at kuntento kung saan siya nakalugar sa naturang produkto. Nakalagay naman siya sa mga flyer pero ‘yung billboard, gusto ni Shyr makuha ni Ms. Rhea ‘yung worth ng gastos niya. ”Ang importante kasi sa artista, alam mo kung saan ka nakapuwesto,” sambit pa niya.

Pak!

TALBOG
ni Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …