Saturday , November 16 2024

Military junta iniamba ni Duterte

NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na ipapasa ang poder sa militar kapag nagpasya siyang magbitiw bilang Punong Ehekutibo kapag ayaw na sa kanyang liderato ng mga mamamayan.

Sa panayam kagabi sa PTV-4, sinabi ng Pangulo ang pagkaluklok sa kanya sa Palasyo ay batay sa Konstitusyon, nanalo siya sa halalan kaya’t isusumite niya sa Kongreso ang kanyang resignation letter sakaling mabuo ang pasyang umalis sa Malacañang.

Kailangan aniyang pumayag ang militar sa kanyang ihahaing resignation letter sa Kongreso bago maging epektibo dahil ang hukbong sandatahan ang magdedetermina kung masusunod ang “rule of succession” alinsunod sa Konstitusyon.

Gaya nang nangyari sa ibang bansa sa Southeast Asia gaya ng Myanmar, Thailand at Indonesia, isinasailalim sa military junta ang gobyerno kapag may malakas na pagtutol ang mga mamamayan sa kasalukuyang leader ng bansa.

Hinamon ni Duterte ang mga grupong maglulunsad ng kilos-protesta laban sa kanyang administrasyon bukas, okupahan ang EDSA hanggang isang buwan basta susunod lang sila sa batas trapiko at hindi maninira ng mga ari-arian.

Nakahanda ang Pangulo na magpatupad ng rerouting sa mga sasakyan para maiwasan ang EDSA at hindi maabala ang mga rally ng kanyang mga kritiko.

Ilang beses nang nagpahiwatig na nagbubuo ng military junta ang Pa-ngulo sa pagtatalaga ng mga retiradong heneral sa kanyang administrasyon.

Halos 60 ang retiradong heneral ng pulisya’t militar sa gobyernong Duterte sa pangunguna nina National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr., Defense Secretary Delfin Lorenzana, at Environment SEcretary Roy Cimatu.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *