Saturday , November 16 2024

Satellite office ng UNCHR hirit ni Duterte (Kapalit ng CHR ni Gascon)

NAIS ni Pangulong Duterte na magtayo ng satellite office sa Filipinas ang United Nations Commission on Human Rights (UNCHR) upang bantayan ang pagpapairal ng paggalang sa karapatang pantao sa bansa.

Inihayag ni Pangulong Duterte kahapon, hihilingin niya sa Camara de Representantes na iparating ang kanyang hirit na maglagay ng satellite office ang UNCHR sa bansa.

Si Zambales 2nd District Rep. Cherry Delosos-Montalla, ang human rights committee chairperson ng Mababang Kapulungan.

Paliwanag ng pangulo, sakaling maging pinal ang pasya ng Kongreso na bigyan ng P1,000 budget ang Commission on Human Rights (CHR), hihingin na lang niya ang P600-M budget sana ng komisyon para ipambili ng gadgets ng Philippine National Police (PNP) gaya ng body camera na gagamitin sa isasagawang operasyon laban sa mga kriminal.

“So I’d like the human rights to ponder on that, ‘yung kay Gascon sabihin ko na lang sa house of reps, I will personally through an official channel invite the Human Rights Commission of the United Nations to set up a satellite office here, sabihin ko na lang sa ano itu-loy n’yo na lang ‘yan marami ako bagay na dapat ibigay sa PNP, camera payag ako lahat pati si Bato sa gitna ng ulo niya ok ‘yan sa akin lahat ng pulis at lahat ng operation ng pulis they will embed an investigator magpasok sila ng kasama sa  pulis wala ako problema diyan kaya sabi ko ‘wag na lang ituloy ‘yan pag ayaw ninyo ibigay ‘yan ‘wag bibili ako camera,” anang Pangulo sa ambush interview matapos bumisita sa burol ni PO3 Junior Hilario sa Bagumbong, Caloocan City.

Si Hilario ay napatay kamakailan ng inaarestong drug pusher at gun-for-hire sa Bagong Silang, Caloocan City.

Paliwanag ng Pangulo, oobligahin niya ang mga pulis na gumamit ng body ca-mera, pati ang kasamang media at human rights worker sa mga ilulunsad na anti-drug operations sa iba’t ibang lugar sa buong bansa.

“Nobody sa police na mag-operate wala camera dala nila sa tao it will be strictly followed and media is free to cover maglagay kayo correspondent diyan… sumama na kayo may ca-mera pati ‘yung human rights, ‘di naman ina-abolish ang human rights commission standby sila riyan hanggang si Gascon pa full budget for CHR?) Ang sabi ng reps ayaw nila bigyan ng P1000 sabihin ko sa kanya ibigay mo na lang ‘yan sa pulis ibili ko ng mga camera, ako pa mag-provide ng opisina ng human rights commission ng United Nations, sila maglagay ng tao every station every operation sabihin ko station comm do not operate without the human rights commission ng United Nations and everybodty must wear a camera gamitin ko na lang P600-M kung ayaw ibigay ng House of Representatives, ako na lang, kailangan para transparent lahat pati ikaw big-yan kita armor helmet.) Yah, kaso wala namang pera kaya hini-hingi ko na lang pera ibigay ko ng equipment na kulang talaga sa pulis with that P600 million I can buy all cameras in the world for every policeman to wear. I’ll order PNP not to go to police action punitive without cameras and representatives of…” dagdag niya.

Umani ng batikos ang paglalaan ng P1,000 budget para sa CHR ng Kamara sa ginanap na budget hearing noong nakalipas na linggo.

Si CHR chairperson Chito Gascon ay appointee ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *