Monday , December 23 2024

Paring hostage ng Maute iniligtas ng special forces

INILIGTAS ng Special Forces commandos ang paring binihag ng teroristang grupong Maute, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ambush interview kahapon sa burol ni PO3 Junior Hilario sa Bagumbong, Caloocan, City, sinabi ng Pangulo, hindi pinakawalan ng Maute si Fr. Chito Suganub kundi iniligtas ng commandos ng SF ng Philippine Army.

“Si Fr. Sumanug he was not released he was liberate through special operation… separate, separate sila ibig sabihin ginapang sila ng special forces or ranger backdoor,” anang Pangulo.

Muling binigyan-diin ng Pangulo, hindi titigil ang operasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Marawi City habang hindi napapatay ang huling terorista sa siyudad kaya’t imposibleng pumayag siya sa hirit ng Maute na pabayaan silang makalabas ng lungsod kapalit nang pagpapalaya sa kanilang mga bihag.

“Impossible, I will not even agree to look at them I said naintindihan ninyo ako noon pa, this will not end until the last terrorist is taken out. That is my order to the armed forces pati sa police hanggang katapusang tao doon na masama,” aniya.

Isiniwalat ng Pangulo na lahat nang nakatakas na kababaihang bihag ng Maute ay inamin na ginawa silang sex slaves ng mga terorista, araw-araw ay ginagahasa.

Sukdulang paglabag sa karapatang pantao ang sinapit ng mga kababaihang bihag, ayon sa Pangulo.

“Paano ‘yung, how the women were treated there kasi lahat ng nakalabas nakaeskapo they said nasa newspaper nakuha ko lang ‘yun sa inyo media they were being repeatedly raped every night. That’s a gross violation of the rights of a human being affront on the dignity of women ng Filipinas,” ani Duterte.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *